MAHIGIT PANG DALAWANG buwan bago sumapit ang Pasko subalit tila napaaga ang pagsa-Santa Klaus ni P-Noy. Biro mo, nagbigay siya ng $1-M sa mga naging biktima ng tsunami sa Japan nu’ng nakaraang taon. Wala namang masama rito. Katungkulan nating tumulong sa mga nangangailangan gaya ng pagtulong ng ibang bansa sa atin ‘pag may kalamidad. ‘Di ko alam na ganyan pala kagalante ang ating Pangulo. Wala kasing dugong Ilokano. At marahil, sabi ng mga salbahe, hindi sa bulsa niya nanggaling ang pondo.
Ang halaga ay katumbas ng P42-M. Gumastos siya ng mahigit na P30-M sa biyahe niya sa Japan. Kasama pa ang ibang hidden expenses, tinatayang mahigit na P100-M ang kabuuan ng gastos niya sa biyahe. Ano ang naging kapalit nito? Goodwill? Increased Japanese investments? Wala pa siyang binabalita tungkol sa huli. Habang siya’y nakikipag-inuman ng saki sa mga Japanese officials, hinahambalos ng typhoon Pedring ang bansa. Daang libo ang inilikas, basang-basa, may mga sakit at walang makain. Nakalulunos ang mga footages sa TV. Ni isang statement wala siya pinaabot sa mga biktima ng kalamidad. Nagkalituhan ang kanyang apat na spokespersons sa pag-a-announce kung may klase o wala.
Sinakmal na ng travel itch si P-Noy. Mga biyaheng ‘di masyadong kailangan kasi dapat niyang tutukan ang local problems. Tinatayang gumastos ang taxpayers ng mahigit-kumulang na P300-M sa biyahe niya sa Tsina, America at Japan sa loob lang ng isang buwan. Ang laking halaga na puwedeng napagpagawa ng maraming paaralan, ospital at tulong sa mga biktima ng kalamidad. Subalit wala tayong magagawa. Super galante ang nahalal na Pangulo. Yeba! Siya ay Mr. Super Santa Klaus.
Balita next year ay may commercial travel na sa buwan. ‘Wag sanang mainteresado rito ang Pangulo. O sige, puwede siyang magbiyahe roon, subalit ‘wag na siyang bumalik.
SAMUT-SAMOT
TUMULAK ANG AKING mag-ina sa France at iba pang lugar ng Europe sa isang religious pilgrimage tour. Pinag-ipunan namin ang bIyahe na sabi ng aking maybahay ay laon na niyang pangarap lalo na ang pagbisita sa Our Lady of Lourdes.
Taumbahay ako. Sa totoo lang, ayoko nang magbiyahe. Sawang-sawa na ko sa paglakbay sa ibang bansa. Nung ako’y spokepersons ng dalawang naging bise-presidente ng Pilipinas, Doy Laurel at Erap. Nu’ng panahon ni Erap, nagasgas din ako sa biyahe sa ibang bansa. Nawalan ako ng interes dahil sa medyo mahina na ang aking tuhod at mahirap magbitbit ng mga bagahe. ‘Di na rin ako makakatulog sa kama ng ibang bahay o hotel.
Ang mag-ina ko ay tutungo rin sa puntod ni St. Therese, the Little Flower of Jesus, na aking patron saint. Sa kanya ko kinuha ang pangalan ng aking kaisa-isang anak. Nu’ng naging devotee ako ni St. Therese, maraming himala ang nangyari sa aking buhay. Hanggang ngayon, ‘di niya ako pinababayaan. Labis na grasya at biyaya ang naihingi niya sa Panginoon para sa aming pamilya.
‘Di ko maisip na makakabisita nang personal ang aking pamilya sa kanyang shrine. Binigyan niya kami ng resources para matupad ito. Isang panibagong milagro. Salamat, St. Therese.
NANGGAGALAITI PA AKO kay P-Noy. Biro mo, excited siya agad sa prospects ng exportation ng bansa ng buko juice sa Amerika. Para bang ang $15-M investment na ipinangako sa kanya sa pagde-develop ng produkto rito ay siyang hahango sa sadsad nating ekonomiya.
Balasahin natin ang resulta ng kanyang US trip. Walang solid US investments. Puro pledges at commitments. Sa madaling salita, puro mga hawshaw na pangako. Of course, may photo-op siya kay Presidente Obama at iba pang world leaders. Pero ito lang ba ang katumbas ng mahigit P150-M gastos sa biyahe. Madaling mapaikot ang ating Pangulo. Tsk, tsk, tsk.
ANG PAGBABALIK NI Ms. Nora Aunor sa pinilakang tabing ay tila isang bulalakaw, biglang kislap, bigla ring nawala. ‘Wag na nating pilitin. Over the hump na ang superstar. Wika nga ni Erap, weather-weather ang lahat sa buhay. Panahon na upang siya’y tuluyang gumarahe. It’s impossible for her to capture the old glory days. Kawawa naman si Gov. ER Ejercito na nag-invest ng milyun-milyon sa ginagawang pelikula na ilalahok sa Metro Manila Film Festival. Tiyak na lalangawin at lalamukin ang takilya.
Quote of the Week:
Prayer to St. Therese
In the name of your little friend, St. Therese, I humbly come to ask you Lord that when my time comes to leave here below, do not call me by a sudden death. Not by an accident that tears the body apart. Not by an illness that leaves the mind confused or the senses impaired. Not by a malady that wears out the soul, or at the mercy of evil forces. Not with a heart filled with hate, or a body racked with pain. Not abandoned, lonely without love or care. Not by my own hand, in a moment of despair. Jesus, let death come as a gentle friend. To sit and linger with me until you call my name. Then let me enter your heavenly home to receive your final gift of grace, to be near you forever, and look upon the divine countenance of your Holy Face. Amen.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez