NA-PACK UP ANG second shooting day ng Superstar na si Nora Aunor para sa El Presidente sa Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite noong Sabado.
The night before pa lang nang malaman ni Ate Guy na may shooting siya kinabukasan eh, inuubo na ito at nang matulog na nga eh, may sinat na. Kaya nang gumising siya kinabukasan, mabigat na talaga ang timpla ng katawan niya. Kaya na-late siya ng isang oras sa set ng nasabing pelikula.
Habang nilalagyan na siya ng make-up at wig ni Warren Munar, napansin na rin nito ang wala nang puknat na pag-ubo ng Superstar. Kaya, sige na sa kaasikaso sa kanya si Aldrin Gabriel at nakahanda na ang i-tinext naming mainit na calamansi juice when she reached the set.
Nag-ihaw pa nga ng calamansi si Aldrin para ipalagok sa kanya ito para maibsan ang pag-ubo niya.
Hindi kami basta makabili ng kahit na anong gamot para sa ubo at lag-nat ng Superstar dahil nga mula nang dumating siya rito sa bansa eh, maya’t mayang lumalabas ang allergy sa mukha niya. Kaya nga may shots sa pictures na ang taba ng pisngi niya.
Fully made-up na si Ate Guy. Suot na ang kanyang costume. Ready nang mag-reading sa pagku-coach ng mahusay na aktor na si Pen Medina.
Pero iniihit na ito ng ubo. Kaya line producer Elaine Lozano decided to call na a doctor from the Divine Medical Center from By-Pass Road, Bacao, Gen. Trias, Cavite, si Dra. Joanne Cosare.
Pagdating ni Dra. Joanne sa trailer ni Ate Guy, agad nang kinuha ang BP nito. Na mataas nga. At tiningnan ang kanyang kalagayan. Sa findings ni Dra. Joanne, malubhang stress ang pinagmumulan ng matinding ubo, pati na sipon at ang manaka-naka ngang sinat nito.
Kami na ang nagsabi kay Dra. Joanne na siya na ang makipag-usap kay Ms. Elaine about the situation. Dahil ang prescription ni Dra. Joanne eh, complete bed rest from 3 days to a week para sa Superstar.
Hindi rin namin maialis na muntik na ring magpakuha ng kanyang BP ang line producer na si Elaine when she realized na mapa-pack up ang sinabi niyang P1.5-M set-up that day. Pero sabi nga ni Dra. Joanne, mas madadagdagan ang gastos ng production kung pipilitin na mag-shoot ng dalawa niyang eksena sa 3 sequences na kukunan that day ang Superstar.
Oo nga raw at gaya ng sinabi ni Elaine na hindi naman ito tatakbo, re-rape-in o gagalaw nang matindi, eh hindi rin makaka-perform nang tama ang Superstar at makikita rin ito sa kukunan sa kanya. Kaya, mahihirapan din sigurado ang direktor at director of photography nito sa makikita nila sa lente. Kaya for sure, magre-retake nang magre-retake.
Sa parte ng produksyon, malaking gastos nga ito kung tutuusin. Gusto mang pilitin ng Superstar na sumalang sa shoot that day, ang doktora na ang nag-advice na kung gagawin niya ‘yon, malamang na kailanganin na niyang iratay muna sa ospital.
Kaya ang mangyayari,mag-a-adjust sa mga schedules ang Superstar. Naging saksi naman ang bawat isa sa atin sa sunud-sunod na aktibidades na sinalangan nito, mula pa lang nang bumaba siya sa eroplano na dumiretso na sa press conference kinatanghalian at nang mga sumunod na mga araw nga eh, pinapangatawanan ang sinasabi niyang pagbabago nang makikita sa kanya.
Ang Superstar eh, tao. Hindi siya robot. Everybody wants to have a piece of her. At dahil kilala natin ang ugali nito, wala namang mabibigo sa mga gusto nila. Pero sana, let’s treat her naman ng may concern at pag-intindi rin sa kanyang health. Naka-isang linggo na siyang sunud-sunod na ginagampanan ang mga responsibilidad na nakaatang ngayon sa kanyang pagbabalik. Pero sana, maintindihan din natin na may mga pagkakataong kailangan din niyang ‘huminga’. Kung hindi naagapan ang kanyang kalagayan, sabi nga ni Dra. Joanne, papunta na ito sa pneumonia.
Para everybody happy. Sinabi ko nga sa kanya na nalungkot ang mga nasa production na excited siyang makatrabaho. Pero sa mga ito ko narinig ang concern nila para sa Superstar. Bago ang mawawalang kita sa kanila that day, marami sa kanila ang hindi natigil sa pagtatanong sa kalagayan ng Superstar.
The Pillar
by Pilar Mateo