FOR THE sake of argument, papatulan namin ang hamon ng isang kolumnista/publisista ni Laguna Governor ER Ejercito sa grupong EnPress (Entertainment Press Society, Inc., of which we are an associate member) na isoli ang P100,000 na ibinayad ng kanyang kliyente in exchange for the sponsorship that the actor-politician willingly paid nang idaos ang Golden Screen Awards for TV last year.
Sa bibig na mismo ng publicist ni ER nanggaling how extremely disgruntled he was when the final list of the nominees for the Best Actor (in the Golden Screen Awards for Movies) was released. Wala kasi sa talaan si ER sa mga nominado gayong mahusay naman daw ang performance nito sa pelikulang Asiong Salonga, last year’s entry to the Metro Manila filmfest.
ER’s publicist went on to rant about the credibility of this writers’ group for snubbing his client’s supposedly noteworthy performance, mga bobo’t tanga raw ang mga bumubuo ng screening committee (well, we did not feel alluded to dahil we were not among the 10 plus members who composed the committee. And even if we were part of it, alam ng publistang ‘yon ang aming kakayahan, modesty aside).
Understandably, alam namin ang ugat ng ipinagsisintir ng taong ito. Paid hacks have gouged eyes who cannot tell ugliness from beauty, garbage from gem. He can eternally lick the ass of Governor ER for all we care, pero huwag niyang gawing isyu ang katangahan at kabobohan ng EnPress as preferences are relative and individualistic.
Now comes his defiant challenge, on or before March 24 — kung may delicadeza raw ang EnPress — ay marapat lang nitong isoli ang isandaang libong pisong ibinigay ni ER sa grupo. Speaking for and on behalf of the group, what return of the money is ER’s publicist talking about?
Klaro na ibinigay ni ER ang halagang ‘yon para mag-sponsor ng TV awards ng grupo. In return, ER’s major help was duly recognized, may ad pa siya sa souvenir program plus the run of his movie’s trailer. To top it all, ER and his movie gained enough publicity mileage out of the said amount.
This being so, ER — in fact — got more than what he bargained for. Nakita niya mismo kung saan napunta ang halagang ‘yon, which was not sufficient enough vis a vis all those perks that his money could possibly amount to. Pinalalabas kasi ng publisista ni ER na tulong-pinansiyal ‘yon sa EnPress for some emergency case involving its member or members in dire need.
Ano ‘yon, tinawag na nga niyang bobo’t tanga ang EnPress, ginawa pa niyang timawa?!
Time is ticking dahil nagbigay ang taong ‘yon ng palugit sa EnPress na isoli kay ER ang amount in question until March 24. Kambal na tanong ang iiwan namin sa publisistang ‘yon: una, ipinasosoli nga ba mismo ni ER ang perang ‘yon na kusa naman niyang ibinigay kapalit ng sponsorship, which EnPress had fairly delivered? Ikalawa, wouldn’t the return of the money put ER in a bad light, such probability should be his publicist’s major concern?
By the way, inamin ng publisista ni ER na silakbo ng kanyang galit ang hindi man lang pagkaka-nominate kay ER sa kategoryang Best Actor. Normally, ‘pag galit ang isang tao, he is not rational. And if that person does not exercise reason, that means that he does not use his mind… so, sino ngayon ang bobo’t tanga?!
ISANG NAGMAMALASAKIT na kapit-bahay ang kumuha ng video habang sinasaktan ni Francisco ang kanyang mga anak, ito ang kuwento nga-yong Miyerkules sa Face To Face na pinamagatang Tatay Na Sadista, Huli Sa Spy Camera Na Binubugbog Ang Mga Anak Niya! Huling-huli sa spy camera ni Anne na sa tindi ng galit ni Francisco ay minartilyo nito ang kuko sa mga paa ng anak dahil pinagbintangan niya ang mga ito na nang-umit ng kanilang pambayad sa kuryente.
Abangan naman bukas, Huwebes, ang kuwento ni Niño na kaya pala nawalang parang bula sa piling ni May ay dahil meron na itong ibang kinakasama. Pinamagatang Mister Na Pilosopo, Biglang Naglaho… ‘Yun Pala, May Babaeng Itinatago!, naloka si Tyang Amy Perez nang salubungin ni May ng sakal si Niño nang magkita sa studio.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III