PALIPAT-LIPAT KAMI NG channel kahapon. Para kaming timang. Party Pilipinas at ASAP XV. Kasi nga, sa Twitter, payabangan ng aabangang opening number, eh.
So, kami naman si gagah, talagang tumutok. Nauna naming sinipat ang Party Pilipinas. Wow, hanep! Ang galing! Nagsimula sa rooftop ng bagong building ng GMA ‘yung sayawan with Mark Herras.
Hayup ang andar ng kamera habang sumasayaw ang nasa paligid hanggang sa ilang baitang na hagdan ‘yon hanggang sa makarating sa mismong studio na ginagamit nila.
Ang galing-galing.
Pero live ba ‘yon?
‘Yung ASAP XV, hanep din ‘yung sayawan sa mesa. Ang galing ni Papa Enchong Dee! (Talagang special mention ko raw si Enchong, o!)
NA-DENGUE BA SI Drew Arellano? Naospital ang lolo n’yo at sa kanyang tweets ay ina-update pa niya ang kanyang mga followers kung bumababa ang kanyang platelets.
Get well soon, Bro!
(Lalaking-lalake ka, Ogie, gano’n?)
PAGKATAPOS NG MOMAY, ano na raw ang aming next project, tinatanong ng mga “tweethearts” namin sa Twitter.
Ayon sa isang executive na nakausap namin, meron kaming next project. Ang sabi, isang talk at isang serye. Hindi kaya isa itong “talkserye”? Naku, isa lang pala, o!
Nako, kahit isa lang ‘yon, it’s still a blessing.
Ito namang friend naming si Paolo Bediones, nang-intriga pa sa Twitter, “Handa ka bang maging Kapatid?”
Hahaha! Juice ko, sa totoo lang, meron na kaming kausap sa TV5, pero ang katuwiran namin, hindi naman kami pinaaalis sa ABS-CBN at meron pa rin naman silang ibibigay na show sa amin, so wait na lang ang byuti namin.
Pero kung after a month eh “waley” pa ring project, very decision-making na ang aming pag-uukulan ng atensiyon.
In fairness, masarap maging Kapamilya. Dito na kami nagsimula, kaya gusto namin, du’n pa rin. Pero siyempre, at the end of the day, iisipin mo pa rin ‘yung ikabubuhay at kapakanan ng “sarili mong pamilya.”
Apat na po ang aming anak.
Magpapakaipokrita pa ba kami na okay-okay lang ang buhay kahit walang show?
(Emote lang nang konti, hehehe!)
‘YUNG “NA-SHELVE” NA pelikula nina Toni Gonzaga at Robin Padilla kung saan naka-six days shoot na sila ay naitapon lang. Halagang P9 million ‘yon, huh!
Ngayon, tuloy na ang Robin Padilla movie under Star Cinema, according to our source. But this time, ang kanyang leading lady ay ang “misis” niyang si Mariel Rodriguez.
‘Yun lang ang alam namin. So far.
(Me so far pa kaming nalalaman, huh!)
Oh My G!
by Ogie Diaz