BLIND ITEM: IBA na ang pananaw ng guwapong bagets actor ngayon. Kung noon ay nagte-text ‘yan sa isang ka-close na bading ng, “Musta na? Ano gawa mo? Kita naman tayo, o!” ngayon, wala nang gano’n.
Understood na ang “Kita naman tayo, o!” Ang ibig sabihin, magkikita kayo at me mangyayari na. Kasi nga, nangangailangan siya ng datung.
“Noong wala pang masyadong TV guestings ‘yan, lagi siyang naka-text sa akin,” sey ng friend naming bading, “Kasi nga, wala siyang pera. Hindi siya binibigyan ng mommy niya.”
Sasabihin daw ng bagets, “Punta ka rito sa bahay. Sunduin mo ‘ko!”
Sabi pa ng bading, “Ay, in fairness, torrid makipaglaplapan ang lolo mo, huh! Expertise niya ‘yan. Ako pa mismo ang tinuturuan niya kung paano ang tamang paghigop ng laway, buka ng bibig at paglalaro ng dila niya sa buong bunganga ko!”
Talaga?
“Oo, saka daks ang lolo mo. Me sinasabi ang kargada, pero ngayon, nagbago na siya, eh!”
Lumiit?
“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Daks pa rin ‘yan, kaso nga lang, ako na ang humihirit sa kanya ngayon na magkita kami, nami-miss ko na kasi. Pero deadma sa text. Wa sa pagka-reply.
“Tapos, nagkita kami one time, sabi ko sa kanya, ‘Ano, kelan tayo magkikita uli?’ Ang sagot niya sa akin, ‘Wag na. Ayos na ‘yung noon. Nagbago na ‘ko. Respetuhin mo naman ako ngayon, kasi, nagbalik-loob na ‘ko sa Diyos!’
“Me choice pa ba ‘ko? Eh, ‘di hindi ko na kinulit, ‘no!” kuwento pa ng aming friend.
O, at least malaki na ang nabago sa pananaw ng bagets na ito. At ngayon nga ay in-demand na siya sa pelikula at TV guestings dahil napakahusay umarte.
‘Wag n’yo nang itanong ang kanyang name dahil parang ang bastos ng dating. Mabuti na lang at bumawi siya sa apelyido niyang sosi naman ang dating.
CONGRATULATIONS SA BUMUBUO ng In My Life dahil wala yata kaming naringgan sa mga friend naming nakapanood na na-bore sila sa pelikula. Lahat sila’y nagsasabi na napakaganda ng pelikula–iiyak at tatawa ka raw.
“Ang husay talaga nu’ng tatlo, walang itulak-kabigin,” referring to Ate Vi, John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Sey pa ng aming mga friends, “One-of-a-kind movie ito ni Ate Vi na talagang aantig sa puso ng bawat isa.
“Makaka-relate ka, lalo na’t nanay ka at malayo sa ‘yo ang anak mo,” sey pa nito.
Hindi pa namin ito napapanood, pero panoorin namin talaga ‘to, promise. Ayaw naming mahuli sa mga kuwentuhan dahil magmumukha kaming tangengot kapag wala man lang kaming nai-share sa tsikahan.
Isa lang ang masasabi namin for Ate Vi. Mahal ka talaga ni Bro, Ate Vi!
‘YUN PALANG MGA himulmol ng suot na jacket ang tumalsik sa mga mata ni Coco Martin, kaya pala naglulupasay at nagpagulong-gulong sa sahig ang aktor pagkatapos pumutok ang effects na nasa loob ng jacket niya.
Juice ko, matatapos na lamang ang Tayong Dalawa ay me ganito pang pangyayari. At ang nakakalokah pa, isa rin sa leading men ni Maja Salvador si Coco sa Nagsimula Sa Puso, kaya sana’y mabilis siyang maka-recover.
Ngayon lang “inaani” ni Coco ang mga itinanim niyang husay sa mga indie film na ginagawa niya. Ang aming dalangin na sana’y hindi makaapekto sa kaguwapuhan ni Coco ang mga tumalsik na something sa mukha niya.
Oh My G!
by Ogie Diaz