BLIND ITEM: Nag-ring ang aming telepono. A friend from the province ang kausap namin, “Juice ko, Ogs, nanonood lang kami ngayon. Naalala ko na naman ang sama ng ugali ng batang ‘yan nu’ng sila pa ni ______ (isang young actor).
“Kumain sa bahay namin ‘yan, nu’ng sila pa ang mag-boyfriend. Tapos, all throughout, ayaw kumibo, hindi nagsasalita, parang wala sa mood. Kakain ka, naka-shades ka pa at hindi ka man lang ngumingiti.
“Tapos, ayaw pang magpa-picture-taking with my kids. Right after eating, alam mo ba, dire-diretso siya sa van niya. Gano’n lang, Ogs. Sinumbong ko nga sa ate niya, eh. Ba’t gano’n naman ang kapatid niya?
“Pasensiya na raw at wala sa mood.
“Alam mo, Ogs, ‘yung kalabtim na lang niya ang sumalo sa kanya. ‘Yun ang nagpa-picture. Kaya nu’ng naghiwalay sila, siyempre, kinampihan namin ng family ko ‘yung lalaki, dahil nga ‘yung simpleng gesture nga sa ibang tao, ganyan ka? Malamang, siya ang may kasalanan kumbakit sila nag-split!”
Na-high blood na talaga ang friend namin, kaya raw everytime makikita niya raw ito sa TV at nagpapa-sweet, sumisigaw siya ng, “Ang plastik mo, ‘Day!”
By Ogie Diaz