PAALAM, TITO ALFIE LORENZO

Alfie Lorenzo

NALULUNGKOT ang showbiz sa pagpanaw ng veteran entertainment columnist and talent manager na si Alfie Lorenzo kaninang umaga  sa ganap na August 1, 2017 sa edad na 78.

 
Kaninang umaga, bumungad sa Facebook timeline ng karamihan sa showbiz ang hindi magandang balita tungkol kay Tito Alfie.
 
Sa mga impormasyon na nakalap namin this morning na ayon kasama ni Tito A (tawag namin sa kanya or sometimes “Alfonga”) na sort of personal assistant niya, napansin na lang nito na hindi na ito umuubo sa kanyang pagkakatulog na siyang kadalasan nangyayari kay Tito Alfie dahil sa kanyang hindi na naalis na pag-ubo na malamang due to his smoking.     
 
Sa ulat, pumanaw si Tito Alfie sa Solaire Resort and Casino, kung saan favorite tambayan niya ang naturang entertainment and gaming venue.
 
Inatake sa puso si Tito Alfie sa kanyang pagkakatulog.
 
Itinakbo pa sa San Juan de Dios Hospital (along Roxas Blvd.) si Tito Alfie pero hindi na ito nai-revive.
 
Judy Ann Santos

Sa official IG account ni Judy Ann Santos, pinost niya: “It is with deep sadness that we pray for our dear Tito Alfie who joined our Creator at 2:12 this morning. We are just coordinating the wake details with the family as we would want to be faithful to his last request. We shall jeep you posted. Thank you for your understanding and being one with us in this time off grief.”

 
Kanina, napakingan ko sa noontime news ng DZMM na inaayos ang labi ni Tito Alfie sa Arlington sa may Araneta Ave in Quezon City hanggang bukas (August 2) at dadalhin siya sa kanyang hometown sa Porac, Pampanga by Thursday.
 
I remember Tito noong una ko siya na-encounter. Bagitong entertainment reporter pa ako nun na ang impresyon ko sa kanya ay isang mataray, mabunganga na “nanay-nanayan”.
 
 Sa apartment niya sa Liberty Ave. sa bandang Murphy sa Kyusi ko siya unang nakatsika kung saan I was assigned by Jingle Extra Hot Magazine na # 1 entertainment magazine and source ng showbiz news in the 80’s na in-assign sa akin ng publisher na si Gilbert Guillermo.
 
Liberty Boys

At that time, super sikat ang mga Liberty Boys niya na kinabibilangan nina Edgar Mande, Lito Pimentel, Rey PJ Abellana, Patrick dela Rosa at Alvin Canon. Para sila mga Piolo Pascual at Gerald Anderson noon.

 
From my first encounter with Tito Alfie, nagustuhan ko ang pagiging straightforward niya na ang paglalakbay ko sa showbiz ay naroon siya to give his opinion and advice.
 
Nakasama ko pa si Tito A. sa morning radio show niya sa DWAN in the late 80’s sa Broadcast City with PTV 4’s prime-senior reporter ngayon na si Rocky Ignacio at Monty Tirasol (now based in  the US). Naging segment producer-writer pa niya ako sa showbiz show niya on ABC 5 na “Troika Tonight” with Tito Billy Balbastro and Tito Oskee Salazar na nauna na sa kanya sa langit.
 
Kung tsikhan ang hanap mo, si Tito Alfie ang dapat mo abangan. Talkshow to the max na walang humpay at pa-umagahan.
 
The last time ko siya nakasama ay sa thanksgiving dinner-tsikahan ni Vice Ganda with the press. After the event noong gabing yun ay inihatid pa namin siya ni Francis Simeon sa condo unit niya sa may Panay Ave. malapit sa ABS-CBN.
 
Rest in Peace Tito Alfie. At least sa langit buo na ang “Troika”

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleYet Another Social Media Fiasco: Isabelle Daza, kailangan magpaturo kay Solenn Heussaff ng right manners
Next articleKASALAN NA: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, engaged na!

No posts to display