OLA CHIKKA! KAHAPON ng umaga ay nagpabili ako ng prutas sa kasama ko sa bahay upang dalhin sa ospital para kay Palito. Ngunit nanindig ang aking balahibo dahil bago pa man makaalis ang kasama ko sa bahay ay nakatanggap ako ng text na sumakabilang buhay na pala itong si Palito Diaz.
Reynaldo Hipolito sa totoong buhay, minsan nang naging dahilan ng ating halakhakan at pansamantalang kaligayahan ang napakagaling na komedyanteng pumanaw sa edad 76. Kahapon ng alas-sais ng umaga ay binawian na siya ng buhay sa sakit sa baga sa Philippine General Hospital. Halos tatlong linggo siyang nakaratay sa ospital sa Imus, Cavite. At noong nakaraang Miyerkules lamang nailipat sa PGH, kung saan natuklasang may mga bukol ang kanyang baga. Napagdesisyunan ng pamilya na sa Floresco Funeral Homes sa Pedro Gil, Manila ibuburol ang kanilang pinakamamahal na si Reynaldo.
Minsan ko nang nakasama itong si Palito sa Palawan nang ikampanya namin si Mayor Hagedorn, kung saan ay nasa iisang kuwarto lamang kami. At doon ay ang maraming bagay akong natutunan na sa kanya ko lamang nalaman. Kaya labis kong ikinalulungkot ang kanyang pagkawala, dahil napakabait ng taong ito. Tito Palito pa nga ang tawag ko sa kanya, dahil magkamukha naman kami, ‘di ba, Tito Palito? Sa pagsasama naming ‘yun, kitang-kita ko kung gaano siya kalakas manigarilyo. Kaya sa tuwing magyoyosi siya, pinapalabas ko talaga siya dahil nga may sakit na ako sa baga at bawal akong mausukan. Kaya siya na rin mismo ang nag-request na maghiwalay kami ng kuwarto dahil hindi niya talaga mapigilan ang sarili.
Mahigit isang daang pelikula rin ang nagawa ni Palito at bago pa pumasok sa showbiz ay nakatugtog na rin sa iba’t ibang parte ng mundo dahil sa galing niyang mag-drums, kung saan ay nakapagtayo rin siya ng bar pagbalik niya rito sa ‘Pinas. Naging talent din siya ng Channel 11 at naging komedyante ng DZRH. At mula noon ay kung saan-saan na rin siya nag-perform – sa mga piyesta, TV guestings at tumugtog sa PAGCOR. Talagang napakagaling niyang komedyante at drummer kaya hindi nakapagtatakang nakapag-invest din siya ng mga kagamitan at bahay. Ngunit dahil sa trahedyang hatid ng bagyong Ondoy, kasama ng kanyang pinaghirapan na lumubog sa lupa ang lahat ng kanyang naipon.
Nakikiramay ako sa naulilang niyang may bahay na si Remedioz Zapanta, mga anak na sina Cristy, Gerado, Danilo, Arlyn, at ang kambal na sina Archie at Arvin. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Palito. At nagpapasalamat ako kay Andy Verde na siyang umasikaso at naging malaking tulong at kay Sen. Bong Revilla rin na tanging tumulong upang mailipat si Palito sa PGH.
Sa dinami-rami naming hininginan ng tulong sa mga kasama namin sa hanapbuhay, maging mga nakaupo sa puwesto ay maraming nangako, ngunit napako. Hindi ko maintindihan na kung kailan wala na ang tao ay roon sila magbibigay ng tulong. Makikiramay kuno ngunit nu’ng nabubuhay pa at mga walang pakialam… excuse me pow! Itigil na ‘yang mga kaplastikan n’yo!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino sila? Sino itong sexy female group na uhaw sa atensiyon, kung saan ay gagawin ang lahat mapansin lang ng sambayanang Pilipino? At hindi lang ‘yun, bonggacious na rin sila dahil kung noon ay Pilipinas lamang ang ginugulat nila sa kanilang mga kalokohan, ngayon pati Guam ay binubulabog na rin nila! Bhuket?
Napag-alaman kasi ng aking parazzi girl na itong grupo raw na ito ay nag-show sa Guam at wala pang isang linggo o halos tatlong araw lamang ay marami na agad na datung! Sosyal, huh! Ano ‘yun, magic? Eh, hindi naman sila kumakanta sa entablado, naglalalakad lang daw na akala mo ay pageant… may malaking datung na agad? Hindi kaya ibang mikropono ang kinakantahan nila kaya ganu’n?! Hmmm… Yuck!
Dahil sa kalaswaan nila ay ayan! Na-raid sila at huli sa akto ng mga awtoridad na nagsi-show na wala man lang na kahit anong saplot sa katawan kaya hindi naman umubra ang kalokohan nila at doon ay nakulong sila ng 20 days! Plangak! Matagal-tagal din ‘yun ah!
Ang chikka pa ng manager nila, ibinubugaw sila sa mga mayayamang nilalang doon para kumita ng datung. Hindi naman na bago sa atin ‘yan kung malaman n’yo ang grupo na ito, dahil nagpa-party nga sila nang hubad-hubad, ‘di ba, mapansin lang? Gusto n’yo pa ng clue? Sige pumunta kayo sa Roxas Blvd. at tingnan ang magandang view sa tabing-dagat! Ha-ha! ‘Yun na!
Para sa mas maiinit pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding