AKO PO AY dating OFW. Nais ko po sanang kasuhan ang aking employer at ahensya dahil sa mga ‘di ko natanggap na suweldo. Paano po ba at saan maaaring magsampa ng kaso? Puwede po bang dito na lang sa Pilipinas magdemanda? —Gerald ng Cubao, Quezon City
KUNG IKAW AY taga-Metro Manila, magtungo ka sa opisina ng National Labor Relations Commission (NLRC) sa Banawe. Kung ikaw naman ay taga-probinsya, maaari kang magsampa ng kaso sa mga regional arbitration branch ng NLRC sa mga lalawigan.
Pagdating mo doon, may ibibigay sa iyong form. Halos fill in the blanks lang ito. Doon mo ilalahad ang nais mong ireklamo. Pagka-fill up mo, ang form ay ipapasok sa computer at doon mismo ay malalaman mo kung sino ang arbiter na hahawak sa kaso mo.
Pupunta ka sa opisina ng arbiter at malalaman mo doon kung kailan ang schedule ng hearing. Ang hea-ring na ito ay tinatawag na mandatory conference. Hindi ito katulad ng hearing sa mga korte na medyo mabusisi. Mas kahawig ito ng pagdinig sa kataru-ngang pambarangay.
Dito’y makakaharap mo ang iyong kalaban at pi-pilitin ng arbiter na magkaroon kayo ng areglo. Kung hindi kayo magkaayos, pagsusumitehin na lang kayo ng mga position paper. Pero kung kakailanganin, magpapatawag ang arbiter ng isang pormal na pagdinig.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo