Paano makipag-ugnayan sa PAO?

Dear Atty. Acosta,

NAIS KO po sanang makipag-ugnayan sa inyong opisina ukol sa aking problema. Saan po ba ako maaa-ring magtungo o sumulat? Wala kasi akong internet sa bahay at pansamantala lamang akong nakikigamit sa aking kakilala.

John

 

Dear John,

ANG TANGGAPAN ng Public Attorney’s Office (PAO) ay tumutulong na matugunan ang mga problemang legal ng ating mga kababayan. Ang mandato ng aming opisina ay ang magbigay ng serbisyong legal na walang bayad sa mga kwalipikadong kliyente nito. Upang kayo ay mabigyan ng kaukulang payo sa inyong mga suliranin, maaari kayong sumulat o bumisita sa aming opisina. Ang aming Central Office ay matatagpuan sa 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City. Maaari rin kayong magtungo at makipag-ugnayan sa mga District Offices ng aming tanggapan na karaniwang matatagpuan sa bulwagan ng munisipyo o siyudad o kapitolyo kung saan kayo nakatira, o kaya naman ay sa Hall of Justice o Bulwagan ng Katarungan ng inyong siyudad o probinsya.

Kung ang inyong kailangan naman ay legal na representasyon sa kasong inyong kinasasangkutan o kasong nais isampa sa hukuman, mahalaga na ito ay mayroong me-rito. Masasabi na ang isang kaso ay meritorious kung ito ay mayroong basehan sa batas at hindi ihahain upang makapanlamang, makasakit o makapang-api lamang ng iyong kapwa. (Section 2, Article II, PAO Memorandum Circular No. 18, Series of 2002)

Nais rin naming ipaalala na kung sakaling kailanga-nin mo ang nasabing legal na representasyon mula sa

aming opisina, kailangan mong magdala ng alinman sa mga sumusunod na proof of indigency bilang katibayan na wala kang sapat na kakayahang kumuha ng pribadong abogado na tutulong sa iyo: (a) ang iyong pay slip, proof of income o kaya naman ay latest Income Tax Return (ITR); (b) Certificate of Indigency mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa mga sangay nito, o sa Municipal Social Welfare and Development Office na nakakasakop sa inyong lugar na tinitirahan; o (c) Certificate of Indigency mula sa Barangay Chairman kung saan kayo nakatira. (Section 1, PAO Memorandum Circular No. 002, Series of 2010)

Malugod po namin kayong  inaanyayahan na manood ng “Public Atorni” sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 4:45 ng hapon.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articlePusali at Bituin
Next articleMga Pulis na Walang-Hiya, Pinatulan Pati Batang Ulila!

No posts to display