MARAMI ang nagulat sa pag-tweet ng Contessa lead actress na si Glaiza de Castro tungkol sa kalakaran sa showbiz tungkol sa salary deduction at overtime pay.
In-assume ng mga followers ng aktres na frustrated na ito sa nagiging kalakaran sa mundong ginagalawan. Karamihan sa kanila ay sang-ayon sa kanyang ikinukuda.
She asked her followers on one of her late night musings: “Fair ba na kaltasan ka ng sweldo pag late ka pero mahigit 24 oras na pagtatrabago wala man lang overtime pay?”
Deleted na ang nasabing tweet, puro umani ito ng maraming retweets at hindi napigilan ng mga netizens na ihayag ang kanilang saloobin.
Ang ilan ay nagtatrabaho rin sa mundo ng showbiz o kaya ay may kaibigan na nakakaranas ng nasabing malpractice.
Hindi klaro kung ang tweet ng aktres ay in relation sa kanyang karanasan bilang artista o ito’y observation sa dinaranas ng mga production staff na nakakasama niya sa kanyang proyekto.
Sa mga followers ni Glaiza sa Instagram, tila meron na silang secret code ng kanyang mga kasamahan sa show tulad nina Gabby Eigenmann, Lauren Young at Jak Roberto na laging nagtatanong in super OA way na “PAANO?!?”, na ang ibig sabihin ay paano nila maitatawid ang mga madudugong eksena ng madaling araw at madalas ay umuulan pa.
Dahil Mondays to Saturdays ang airing ng Contessa, no wonder palagi silang naghahabol ng episode. Nakakadagdag din siguro sa stress ng mga cast members lalo na ni Glaiza ang mga physical at emotional scenes nila. Madalas na nakikipagrambulan o nakikipagsabunutan si Contessa.
Okay na rin na ni-raise ni Glaiza ang isyu. Years ago, ang kaibigang si Angelica Panganiban ay nagtweet din ng kanyang saloobin about malpractices sa paghahabol ng airtime o showing date.