NAG-MEET IN person ang Internet sensation na boy group at tinaguriang Trending Cuties na UPGRADE na kinabibilangan nina Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Mark Baracael, Raymond Tay, Casey Martinez, Ivan Lat, at Armond Bernas at ang Youtube sensation na Pabebe Girls na kinabibilangan nina Avelardo Garves aka VhellPoe (Babaeng Multo), Janet Ricabo (Babaeng Utal), at Michelle Alfonso (Babaeng Walang Kilay) through dinner last July 24, 2015 sa Manang’s Chicken sa SM City San Mateo, Rizal.
Maaalalang sa lahat ng interview ng Pabebe Girls, ang grupong Upgrade ang sinasabi nilang idolo nila sa hanay ng mga kalalakihang celebrities. Kaya naman nang makarating ito sa grupong Upgrade, nag-set sila ng dinner sa Pabebe Girls.
Tsika nga ng Upgrade, “Natuwa lang kami, kasi sa lahat ng interview nila, kami ‘yung sinasabi nilang idol nila. Nalaman nga namin ‘yun doon sa isang fan namin na nakapanood ng interview nila sa MYX, tapos tinag nila sa FB page, tapos pinanood namin.”
“Flattered kami kasi sikat na sikat sila ngayon. Kumabaga may Pabebe Mania ngayon sa Pilipinas. Hahaha! Kaya isang karangalan sa amin na kami ‘yung iniidolo nila,” ayon kay Casey na leader ng grupo.
Dagdag naman ni Mark, “Nu’ng una nga akala namin mataray sila in person. Kasi nga sa video nila, ganu’n ‘yung character nila. Pero hindi naman pala , kasi mababait sila at sweet, even nga ‘yung parents nila, mababait din.”
Hindi pa raw sila sikat, idolo na ng Pabebe Girls ang Upgrade. “Si Michelle Idol si Vice Ganda, si Janet, si Kim Chui, ako naman si Kevin Balot, pero lahat kami idol ‘yung Upgrade boy band.
“Happy nga kami kasi naka-dinner namin ang Upgrade. Mas nakilala namin sila ng personal, mababait sila, at guwapo. Hindi pa kasi kami sumisikat sa Youtube, idol na namin sila, kasi magaling silang kumanta at sumayaw, lalo na si Rhem, siya ‘yung pinaka gusto ko sa Upgrade.
“Tapos binigyan nila kami ng Hea Watch, mug, calendar, at notebook nila. Nilibre pa nila kami ng dinner,” pagtatapos ng Pabebe Girls.
TULUY-TULOY NA raw ang pagtakbo sa Senado ng mabait at masipag na Valenzuela Congressman na Win Gatchalian sa 2016 elections.
Kuwento nga ni Cong. Win, alam niyang sobrang dami ng problema ng ating bansa. Pero kung isa-isa itong bibigyang-kasagutan at bibigyan ng atensiyon, ay isa-isa itong masosolusyunan.
Isa nga raw sa gusto nitong tutukan ay ang patungkol sa edukasyon, dahil naniniwala ito na ang edukasyon ang susi sa isang maunlad na bansa. At bawat Pilipino ay may karapatan ng tamang edukasyon ano man ang estado nito sa buhay, at ang slogan nitong “Edukasyon ang Matibay na Panlaban sa Kahirapan”.
At ilan pa nga sa House Bills nito ay ang House Bill No. 5731 Increasing Salaries for Teachers and Non Teaching School Personnel, House Bill No. 5905 Free Higher Education Act, House Bill No. 5348 Nutri-Skwela Act, House Bill No. 5243 Nanay-Teacher Parenting Program Act, House Bill No. 4714 Servandon Act, House Bill No. 2338 Mandatory ROTC, House Bill No. 2624 SIM Card Registration Act, at House Bill No. 5099 Parking Fees Regulation Act.
THE AQUEOUS Group and Company and its subsidiary Aqueous Events, producer of many successful concerts and other medium to large-scale events will again hold Green Hope Run 2015 (Ibalik Ang Kawayan Sa Meycauayan), an eco-tourism project on SEPT. 27, 2015 (Sunday) at Ema Town Center Bamboo Park, Meycauayan, Bulacan.
It’s a run for a cause, in Partnership with Local Government of Meycauayan City, Bulacan and ABS-CBN Bantay Kalikasan Foundation through its Green Initiative Project.
John’s Point
by John Fontanilla