NAKAKAALIW NA MALAMANG may time pa palang mag-tweet si Manny Pacquiao sa kabila ng kanyang busy schedule. At ang mas nakakaaliw, nakukuha niyang pag-aksayahan ng panahon ang mga bumabatikos sa kanya sa pamamagitan ng nasabing social networking site.
Partikular na nilalait kasi ang mali-maling pag-i-Ingles ni Pacman. Bilang sagot, idinadaan na lang niya ito sa “sarcasm”. Palibhasa raw kasi ay mataas ang pinag-aralan ng nag-tweet, kaya asensado ito sa buhay.
Magsilbi sanang aral ito sa ilang umaalipusta kay Manny lalo’t ang ibinubutas naman nila’y walang kinalaman sa kanyang pagiging world-class boxer. Hindi nasusukat sa pagsasalita ng tamang Ingles ang ikaaangat ng isang tao sa buhay, lalung-lalo nang hindi ito pamantayan ng pagkatao ng isang tao.
Bagama’t may advantage ang isang taong matatas sa lengguwahe ng mga ‘Kano, hindi nga puwedeng gamiting passport ito para makatuntong sa Amerika, ‘no!
Tigilan na ang kaipokrituhang ito, ‘no!
BLIND ITEM: HINDI na nagtataka ang isang grupo ng nakahunta-han ng isang TV/film director kung bakit ganoon na lang kamaldita ang isang sikat na lady broadcast journalist.
Naging kamag-aral pala ni Direk ang hitad sa isang reputable college sa Maynila. Sa isa nilang major subject ay ginrupo raw sila ng kanilang professor para gumawa ng project.
Nagtaas daw ng kamay ang babaeng mamamahayag, puwede raw bang hindi siya makihalo sa grupo at gagawa na lang daw siya ng sariling project.
Imbes na sumang-ayon ang titser, nagalit daw ito sa hitad. Maluwag daw ang pintuan papalabas ng kanilang classroom, kung ayaw nitong sumunod sa professor. Natameme ang hitad.
Napa-“Aaaahhh…” na lang ang pinagkuwentuhan ni Direk bilang realization na no wonder, dala-dala ng lady newscaster na ‘yon ang kanyang “hostile attitude”. Malayung-malayo ito sa ipino-project niyang public image, na lalo pang ikinukubli ng kanyang sweet smile kuno!
In fairness, her impressive track record in the field of news reportage has earned her the respect she deserves… talagang meron siyang “K”!
NO DOUBT, TV5’s Talentadong Pinoy, the country’s biggest talent show on primetime, is scaling even greater heights. Ito’y lalo’t limang tulog na lang ay gaganapin na ang Ultimate Battle of the Champions at the Ynares Center sa Antipolo City.
Napili na nga ang wild card finalist kahapon na siyang makakatunggali ng walong Hall of Famers na kinabibilangan nina Beatbox Gor, Joseph the Sand Artist, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction at RR Friends.
With an estimated capacity of 7,000, tiyak na jampacked na naman ang Ynares Center on March 12 and 13 as Talentadong Pinoy’s Ultimate Battle of the Champions rages!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III