NAPAKALAKI PALA NG pusta ni DENR Sec. Lito Atienza sa nakaraang laban ni Manny Paquiao kay Ricky Hatton. Nakapag-comment tuloy ang taong uma-assist sa kanya na, “You must have a lot of money or you must be Manny’s father!”
Ganu’n katindi ang sampalataya ni Sec. Lito sa Pambansang Kamao. Gayunpaman, natalo siya dahil tumaya siya na mananalo si Manny sa first round pa lamang.
Actually, puwedeng-puwede raw na manalo sa pusta si Sec. Lito kung hindi nag-alala si Manny na tuluyan ang kalaban sa first round pa lamang. “Kayang-kaya naman. Kitang-kita na bagsak na bagsak ang katawan ni Hatton sa pagdi-diyeta. Samantalang si Manny, kundisyon na kundisyon. Mayaman na sana ako. Sa second round pala tiniyempo ni Manny ang pamatay niyang suntok!”
Tulad ng madalas niyang sabihin, para na rin niyang anak si Manny. Walang pinag-iba si Manny sa mga anak niyang sina Kim at Ali. Kaya nga, hindi nag-atubili si Sec. Lito na paalalahanan ito na huwag nang ituloy ang pagsabak sa pulitika. Naalarma siya sa dami ng tsu-tsu na tiyak na magpapahamak kay Manny, sakaling mabuyo siya ng mga ito na kumandidato bilang congressman ng Saranggani sa darating na 2010.
“I will be disappointed kung saka-sakali. The same siguro ng lahat niyang tagahanga sa buong mundo na mahal na mahal siya dahil sa pagbibigay niya ng karangalan sa ating bansa. Itinuturing siyang pinakadakilang boksingero sa buong mundo, pound for pound. At ang talento niya sa larangang ito ay hindi magiging katulad sa pagsabak niya sa pulitika. Nakilala siya at naging one of the most powerful man in the world dahil sa boksing at hindi dahil sa pulitika. Sana, pakinggan niya ako,” katuwiran niya.
Hinangaan din si Sec. Lito sa pagkakaroon ng lakas ng loob na sampahan sina Manila Mayor Fred Lim at Vice-Mayor Isko Moreno ng demanda sa pagtuluy-tuloy ng oil depot sa Pandacan. Ito anya ang simula ng kamatayan, hindi lamang ng ating kapaligiran, kundi ng mga mamamayang nakalalanghap ng masamang hangin dulot nito. Sa mismong World Environment Day noong Biyernes niya ito ginawa.
SA DINAMI-RAMI NG mga cosmetic surgeons na nami-meet natin sa showbiz, tanging si Dr. John Cenica ang nagmamalasakit sa mga non-showbiz clients niya.
Hindi kasi namimili ang buong staff niya, mapa-artista man o pangkaraniwang tao lang. Pareho ang treatment nila. In one or two instances, nakapagrekomenda rin tayo sa mas sikat na cosmetic surgeons ng mga simpleng taong gustong matikman ang kanilang serbisyo dahil sa sobra-sobrang publicity, pero hindi sila enthusiastic. Mga artista talaga ang target nila. Mga artista lamang.
Hindi ba dating magaganda ang mga ito? Pandagdag na lang sa kanilang kagandahan ang ano mang serbisyong maibibigay ng sino mang cosmetic surgeons? Iba ‘yung pangkaraniwang tao na napapaganda talaga nila. At ito ang matutuklasan habang tinututukan ang larawan ng babae sa before and after patient ni Dr. Cenica at ng kanyang mga kasama.
Name it and they have it. Liposuction, breast augmentation, noselift, facelift, double eyelid and eye bag removal, pati hair transplant, varicose vein treat ment chemical peel, etc.
Bukod sa pagiging dedicated surgeon and a brilliant business manager, active civil figure si Dr. Cenica at higit sa lahat, isang devoted father. Ang kanyang contributions sa sosyalidad, umani sa kanya ng iba’t ibang awards at papuri. Ilan sa mga ito ay: Who’s Who in the Philippines Award 2001, Gintong Ama Awardee, Father’s Day 2000, Destinguished Media Award in the Field of Medicine 1989, Outstanding Young Achiever in the Field of Medicine, Centennial Awardee, 1998, at Outstanding Physician of the Community, Sta, Isabel, Kawit Cavite, given by the Silahis Organization 1992
Totoo ang kasabihang personal chemistry is very important. Naniniwala si Dr. Cenica na kailangan pumili ng surgeon na komportable ka. Isa na ‘yung madaling kausap, friendly, matiyagang makinig sa ano mang sasabihin mo at nagmamalasakit sa inyo.
Sad to say, wala ito sa ibang cosmetic surgeons.
BULL Chit!
by Chit Ramos