Pag-aampon sa sariling anak

Dear Atty. Acosta,

NAGLAKAS-LOOB PO AKO na magtanong sa inyo tungkol sa tamang proseso ng adoption. Nais po kasing ampunin ng asawa ko ang aking anak sa pagkadalaga. Sa akin po nakaapelyido ang anak ko. Simula’t sapul pinabayaan naman talaga kami ng kanyang tunay na ama. Gusto ko lang po sanang malaman kung paano ko po mapapalitan ‘yung apelyido ng anak ko. Gusto po nang asawa kong isunod sa apelyido niya. Kami po ay kasal ng asawa ko. Paano po kaya ang legal process nito?

Anita

Dear Ms. Anita,

ANG “ADOPTION” AY isang legal na proseso kung saan ito ay nagtatag o bumubuo ng isang relasyon, sa pagitan ng nag-aampon (adopter) at inaampon (adoptee), bilang magulang at anak. Dahil dito, kinikilala ng batas ang isang inampon o adopted child bilang isang lehitimong anak ng nag-ampon o adopter. Nagsisimula ang relasyong ito sa oras na maglabas ng kautusan ang korte na pinapayagan na ang nasabing petisyon, pagkatapos ng masusing pag-aaral at pagdinig sa kaso at makitang ito ay pabor at  makabubuti sa kapakanan ng inaampon.

Isa sa mga epekto ng pag-aampon ay ang karapatang gamitin ng inampon o adopted child ang apelyido ng nag-ampon o adopter. Sa sandaling pahintulutan ng korte ang petisyon, kasama nitong ipag-uutos ang pagbabago ng Birth Certificate ng inampon upang pa-litan ang kanyang apelyido at magamit ang apelyido ng nag-ampon.

Ang kagustuhan ng iyong asawang ampunin ang iyong anak sa pagkadalaga ay nangangailangan ng pahintulot ng korte. Dahil dito, kailangang maghain ng “Petition for Adoption” ang iyong asawa, kung saan nakasaad dito ang kanyang naising ampunin ang iyong anak. Bukod pa rito, kailangan ding nakalakip sa nasabing petisyon ang mga kinakailangang dokumento tulad ng mga sumusunod: (New Rules on Adoption, August 22, 2002)

“A. Birth, baptismal or foundling certificate, as the case may be, and school records showing the name, age and residence of the adoptee; B. Affidavit of consent of the following – 1.) The adoptee, if ten (10) years of age or over; 2.) The biological parents of the child, if known, or the legal guardian, or the child-placement agency, child-caring agency, or the proper government instrumentality which has legal custody of the child; 3.) The legitimate and adopted children of the adopter and of the adoptee, if any, who are ten (10) years of age or over; 4.) The illegitimate children of the adopter living with him who are ten (10) years of age or over; and 5.) The spouse, if any, of the adopter or adoptee – ; C. Child study report on the adoptee and his biological parents; D. If the petitioner is an alien, certification by his diplomatic or consular office or any appropriate government agency that he has the legal capacity to adopt in his country and that his government allows the adoptee to enter his country as his own adopted child unless exempted under Section 4(2); E. Home study report on the adopters. If the adopter is an alien or residing abroad but qualified to adopt, the home study report by a foreign adoption agency duly accredited by the Inter-Country Adoption Board; and F. Decree of annulment, nullity or legal separation of the adopter as well as that of the biological parents of the adoptee, if any.”

Sang-ayon sa iyong pagsasalaysay, ang estado ng iyong anak ay “illegitimate”. Kung magkaganu’n, mas makabubuting sumama ka na rin sa petisyon o sa pag-aampon sa kanya para ma-ging legitimate na rin ang status ng bata bilang anak mo.

Ang “Public Atorni”, isang reality mediation coverage ng TV5, ay inyong mapapanood kada Huwebes ng gabi pagkatapos ng “Aksyon Journalismo”.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleTarantadong lto at VK kalat sa Caloocan
Next articlePops Fernandez does the ‘humihirit mabuntis’

No posts to display