SANA’Y NAGKAKAMALI LANG ang inyong lingkod na hindi gimik lang ang tsikang nag-collapse si Carla Abellana sa taping ng kanyang teleserye sa GMA 7.
Pasensiya na if I play devil’s advocate, pero karaniwan nang nawawalan ng ulirat ay ang artistang inaapuntahan ng overfatigue dala ng OA na trabaho. Hindi kinaya ng kanyang resistensiya builder, kaya hayun, nag-faint (nag-faint daw, o!).
Gaano ba naman kasi kadami ang trabaho ni Carla, kumpara halimbawa na lang kay Marian Rivera na may fantaserye, may sitcom at may pelikula pa? Puwera pa rito ang nadagdagan niyang commercial endorsements?
At bakit kasi hindi puwedeng isipin na baka gimik lang ito? Puwede bang sagutin din ng tanong ang sarili kong tanong? Hindi ba’t kailangang mag-rate ng teleserye ni Carla (na buti na lang, isinasama sa bahagyang pag-angat sa lupa ni Darna)?
BECAUSE OF THE still-unresolved issue between Star Cinema and SM Cinemas, distributed by Solar Films na ang pelikulang Kimmy Dora, Kambal sa Kiyeme ng Spring Films.
As a result, lalong ganadong mag-promote ang bida ritong si Eugene Domingo whose turn to hit the big time is long overdue. Ayon sa isang Star Cinema insider, it will take some time bago maayos ang gusot sa pamunuan ng SM. Hindi naman nila puwedeng ikompromiso ang proyektong aabot na sa mahigit P20 million ang production cost, puwera pa ang advertising and promotions nito.
But it still is a conservative figure to think na apat naman ang producer nito, si Piolo Pascual at si Binibining Joyce Bernal na siya rin nitong direktor. Here’s my “kambal wish” also: that Uge makes her audience laugh and that all four producers laugh their way to the bank.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III