“‘PAG HINDI siya (Jodi Sta. Maria) na-nominate sa mga award-giving body (for Best Actress), malaking kawalan sa kanila ‘yan! Mahusay naman siya d’yan (Migrante).”
Ito ang naging pahayag ng award-winning director na si Joel Lamangan na puring-puri ang acting na ipinakita ni Jodi sa aabangang pelikulang Migrante na nag-shooting pa mismo sa Israel, kung saan nagtatrabaho ang role ni Jodi na si Frida bilang OFW.
Tsika nga ni Direk Joel, kitang-kita sa Migrante ang husay ni Jodi. Hindi raw sobra at hindi kulang, kundi tama lang ang ipinakita nitong acting sa ma-drama at may kapupulutang aral na pelikula.
Kahit nga raw ang co-stars ni Jodi sa Migrante ay nagpakita rin ng kahusayan sa pagganap tulad ng award-winning actor na si Allen Dizon, Chynna Ortaleza, Rich Asuncion, Ryza Cenon, Tony Mabesa, Luis Alandy, Jim Pebangco, Racquel Villavicencio, Alex Castro, Bangs Garcia, atbp.
HAPPY ANG Starstruck Batch 3 Avenger na si Vaness Del Moral dahil from support sa kanyang mga naunang palabas sa GMA-7 ay nabigyan siya ng role na isa sa mga bida via Faithfully, ang bagong soap ng GMA-7 na pinagbibidahan din nina Michelle Madrigal, Isabel Oli, Maxene Magalona at Isabelle Daza.
“Sa story, ako’ng pinakamayaman sa grupo namin. Boyfriend ko si Marc Abaya, but he left me for Maxene, who’s poor. After ‘Kokak’, I did a guest role in ‘Broken Vow’. So, natutuwa ako’t regular uli ako in ‘Faithfully’.
“As Dina Carvajal, bida-kontrabida ako rito. Kung minsan, mabait, tapos biglang magiging masama and vice versa.”
Wish nga raw ni Vaness na sana raw ay magtuluy-tuloy ang magagandang proyektong ibibigay sa kanya ng GMA-7,kaya naman daw triple effort ang kanyang ginagawa para magampanan nang maganda ang mga roles na ibinibigay sa kanya ng home studio.
UMALIS NA ang King of Talk na si Kuya Boy Abunda kasama ang kanyang butihing ina papuntang Germany, para subukan ang Stem Cell Treatment para sa kanyang mahal na ina. Kung saan tatagal sila roon.
Maaalalang na-diagnose na may Dementia ang ina ni Kuya Boy, kaya naman sa magagandang nababalita sa Stem Cell Treatment na nakapagpapagaling ng may mga karamdaman at nakapagpapabata sa kung sino man ang mag-a-undergo ng treatment na ito.
Kaya naman daw gusto itong subukan ni Kuya Boy sa kanyang ina, dahil kung totoo naman ang napababalitang magandang resulta ng treatment, makabubuti nga naman ito sa kanyang nanay.
Kasabay na rin nito ang pagbabakasyon ni Kuya Boy sa ilang bahagi ng Europa kasama ang kanyang pinakamamahal na ina nang ilang linggo at pagkabalik na pagkabalik sa bansa ay sasabak na naman ito sa trabaho. Knowing Kuya Boy na sobrang workaholic.
PALABAN PAGDATING sa hubaran at maiinit na eksena ang ilan sa casts ng inaabangang indie film na Kapa, mula sa direksiyon ni G.A. Villafuerte, sa pa-ngunguna nina Adriana Gomez, Marco Ronquillo, Cyrus Arruejo, Khal Santos, John “Jana Chuchu” Fontanilla, Alvin Duckert, Jayel Baldonado, Kristian Marquez, Miguel Alcantara at Karl Mathew Garcia.
Aabangan sa pelikulang Kapa ang ilang beses na pagsungaw ng hinaharap ng mga bidang lalaki at paniguradong mag-iinit ang kalamnan ng mga manonood dahil na rin sa mga love scenes dito.
Kaya naman sugod na sa advance screening nito sa June 30 sa Red Capz Bar sa Zapote, Las Piñas at panoorin ang Director’s Cut ng Kapa, kung saan dadalo ang halos lahat ng casts nito.
John’s Point
by John Fontanilla