SA PAGTATAPOS ngayong buwan ng teen show na nagpataob ng ilang beses sa mga teens show ng iba’t ibang network, ang Real Love Presents: Tween Hearts, balitang ilang miyembro nito ang nakatakdang mag-ober da bakod sa ABS-CBN at TV5.
Balita kasing walang mga shows na naka-line-up sa ibang tween stars, kaya naman kesa matengga ay lilipat na lang ang mga ito ng ibang TV network, kung saan may nakalaan nang mga shows sa mga ito.
Kaya naman ‘wag magulat kung one of this day ay makita ang ilang tweens na naggi-guest na sa mga shows ng ABS-CBN at TV5, dahil ‘yun na raw ang hudyat ng pag lipat ng mga ito. Kung sa bagay, karapatan naman ng mga ito ang maghanap ng trabaho lalo na’t kung wala namang plano sa kanila ang GMA-7 at walang trabahong maibibigay sa kanila ang Kapuso Network. ‘Yun na!
HINDI LANG mga Pinoy ang gustong masungkit ng Fil/Mexican Singer na si Jessica Sanchez ang American Idol Season 11, dahil maging ang mga sikat na Hollywood personalities like Kim Kardashian, Akon, atbp ay si Jessica ang gustong manalo.
Tsika nga ni Kim sa kanyang tweet, “If Jessica Sanchez doesn’t win AI… I’m gonna throw my flat screen TV out the window, Period!”
Habang gusto naman ni Akon na ma-eliminate na si Jessica, dahil nakakita ng gold mine si Akon sa Pinay singer. Kaya gusto na nitong i-sign-up at bigyan ng recording contract si Jessica.
Sa ngayon, ka-join si Jessica sa Top 4 ng AI with Joshua, Holli and Philip. Marami nga ang nagsasabing win or loose ay mukhang aalagwa ang career ni Jessica sa recording scene, ‘di lang sa America kung hindi sa buong mundo, dahil sa kanyang angking galing at ganda at kakaibang timbre ng boses.
ISANG PASASALAMAT ang nais naming ipara-ting sa lahat ng bumati at nagregalo sa inyong lingkod sa aming katatapos na kaarawan last May 4 na ang selebrasyon ay ginanap sa Walang Tulugan with the Master Showman at sa DZBB 594 Walang Siyesta.
Unang-una kay Kuya Germs Moreno na siyang nagbigay sa akin ng pagkakataong mapabilang sa pamilya ng Walang Tulugan bilang Johna Chu Chu na ka-tandem ni Mega Ulala at sa radio program na Walang Siyesta; kay Kuya John Nite; at sa aking Walang Tulugan at DZBB family, Shalala, Arnell Ignacio, Alden Richards.
Thank you din kay Tita Marcie Lagazon and family, Omosura Family, Geneza Family, Amistad Family, Ucang Family, Tito Jun and Jovan Dela Cruz Family na siyang may-ari ng F & S Tailoring na siyang humabi ng isinuot ko sa aming kaarawan; sa aking mga alaga na sina Hiro Magalona, Rhen Escaño, Benjamin De Guzman, Kristoffer Martin, Arkin Del Rosario, Czarina Suzara, UPGRADE, Dance Squad Dancers at Teejay Marquez; sa aking PMPC Family at sa mga kaibigan kong press people, GMA Artist Family, TV5 Family; at sa lahat ng aking editors.
At sa mga sponsors ko, New York SPA, Hammerhead, Rescuederm, at kay Rene ng PEPS Salon, Kay Troy Balbacal and Family, Sir Joel Cruz and Roy of Aficionado Germany Perfume and Joel Cruz Signatures at kay Sir Jaime Acosta ng Psalmstre makers of New Placenta and Olive C. At sa lahat-lahat ng nakaalala, maraming- maraming salamat po!
John’s Point
by John Fontanilla