NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Gusto ko lang po sanang ireklamo ang mga teacher sa Tayabas West Central School 1 sa Tayabas, Quezon. Lagi po sila kasing hingi nang hingi ng pera sa mga bata. Tapos kapag hindi po nagbigay ang bata ay automatic na absent na raw. Sana po ay tulungan ninyo kami.
- Irereport ko lang po ang tulay ng Sta. Cruz, Manila dahil iyong ikutan papuntang SM Manila ay ginagawang tirahan ng mga tao. Ang hirap pong dumaan lalo na sa gabi.
- Irereklamo ko lang sana iyong double parking sa may Quirino Avenue sa may barangay Dongalo at Lahuerta service road. Ito po iyong daanan papuntang Bacoor. Araw-araw na lang po grabe ang traffic dahil sa double parking.
- Reklamo ko lang po sa inyo ang isang teacher dito sa Payong Elementary School. Hindi po ibibigay ang card ng mga bata kapag hindi nakabayad sa school paper. Pero kapag nagbayad naman kami wala naman silang maipakita o mai-present ang sinasabing school paper.
- Dito po sa C-6 palaging may mga MMDA traffice enforcer po na nanghuhuli ng mga truck na green plate. Kapag walang maipakitang papel ay kinokotongan at ang pinakamababang hinihingi ay P500.00. Nananakot pa sila na P50,000.00 daw ang tubos doon kung itutuloy nila ang panghuhuli.
- Pakisuyo po na kalampagin ang LTFRB at ang mga shuttle service from Pasay Rotonda papuntang Mall of Asia dahil ang pamasahe ay hindi pa rin nila binababa. Hanggang ngayon ay P10.00 pa ang sinisingil nila.
- Reklamo ko lang po ang paglalagay ng peryahan sa aming covered court ng barangay. Dahil sa peryahan ay hindi na magamit ng mga batang nais maglaro ang nasabing court. Sana po ay maaksyunan.
- Dito po sa Brgy. Pataf ng San Vicente, Caramoan, Camarines Sur ay hindi po mahuli-huli ang mga gumagamit ng iligal sa pangingisda tulad ng dinamita,sodium spray na lason, at compressor. Kaya po paunti nang paunti ang huli ng isda dito at unti-unti rin pong nasisira ang karagatan dito dahil sa mga iligal na pangingisda dito.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapapanood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo