NOONG NAKARAANG JUNE 26 bumisita si Atty. Lelen Berberabe ang President CEO ng Pag-IBIG Fund sa ABS-CBN upang pormal na lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan niya at ng Star Magic ng ABS-CBN na siyang nagsasali sa lahat ng kanilang mga artista upang maging miyembro nito.
Sa unang tingin ay para lamang isa sa mga artistang magte-taping ang maganda at batambatang si Atty. Berberabe nang dumating sa ELJ Bldg. na masayang nakipagkwentuhan at naki-pagtawanan sa mga kawani at talents ng ABS-CBN. Pero sa kabila ng kasiyahan ay dala ni Lelen ang isang seryoso at kahanga-hangang layunin upang ang mga artista ay maging kabahagi ng programa ng Pag-IBIG Fund para sa pagtataguyod ng isang maunlad na bansa habang sila ay nakakapag-impok para sa kanilang personal na kinabukasan sa ‘di hamak na mas mataas na interes kaysa sa bangko.
Ayon kay Atty. Berberabe, nakita niya ang kahalagahan na maisali ang lahat na mga self-employed na mga mamamayan basta’t mayroon silang boluntaryong pagnanasang makasali at magpatuloy ng pagbabayad bilang kani-lang pag-iimpok para sa kanilang paglalaanan sa kinabukasan. Ayon sa kanya, may mga grupo na rin ng mga tricycle at jeepney drivers na boluntaryong lumalahok sa Pag-IBIG. Kung kaya nga nakita rin niya na dapat ang mga artista at ang industriya ng showbiz sa kabuuan ay dapat maging miyembro ng Pag-IBIG lalo pa nga’t nakaka-rinig tayo ng mga istorya ng mga naghihirap na mga dating sikat. Totoo nga naman na hindi panghabambuhay ang kabataan at kasikatan. Kung kaya nga dapat ang mga artista habang bata ay makapagsimula nang mag-impok at maghanda para sa kinabukasan.
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service