Pag-iyak ni Claire Dela Fuente, pinagtawanan – Pilar Mateo

ANIM na taon ding nagbakasyon sa pagiging isang recording artist niya si Jessa Zaragoza.

Kaya naman sa pagbabalik-recording niya, todo perform si Jessa sa Eastwood Open Park noong Sabado ng gabi sa launching ng kanyang Jessa Sings the Great Musical Icons (Volume I).

Binaha rin pala ang lugar kung saan matagal na nanirahan si Jessa sa Binangonan. Pero mabuti na lang daw na wala roon ang kanyang ina. Ang katiwala lang nila ang lumusong sa umabot hanggang bewang na baha.

Mukhang sa pagbabalik na ito ni Jessa at ng kanyang mister na si Dingdong Avanzado, ironically, walang bagyong sumabay sa muli nilang pagsulpot. Pero hindi raw ibig sabihin nu’n na they are staying na here for good. Aalis-alis pa rin daw sila at uuwi sa Amerika kung kinakailangan.

[ad#post-ad-box]

‘SA PAGBABALITA NI Kris Aquino, pati na ni Boy Abunda sa SNN (Showbiz News Ngayon), pati na sa The Buzz ng mga kaganapan sa mga ginagawang pagtulong ng mga kasamahan sa industriya ay sila pa ang nakatatanggap ng mga hindi magagandang komento mula sa mga taong hindi tuwid ang pagtingin sa nangyayaring sitwasyon. Kasi nga, bawat sabihin at ikilos ni Kris, eh, sa pulitika nila idinudugtong agad-agad!

Eh, kung mas imumulat lang natin ang mga mata natin, right under our noses, may mga nagaganap diumano na mga anomalya sa ilang mga deals at transactions na involved pa raw ang ilang showbiz personalities, ha?

Kahit naman daw kasi wala namang kaalamang gaano sa isang business na pinasok niya ang isang sikat na celebrity, dahil lang nayakag ng amiga niya, ayun, enter the dragon na, not knowing na sa bandang huli, kapag nagkabulilyasuhan na, eh, laglagan in the end na ang magaganap.

Kaya nga raw pati ang friendships nasisira. Pati ang usapan sa trabaho, nawawala.

Oo, kanya-kanyang kembot at kanya-kanyang kendeng na naman ang mga anak ni Eba sa kanilang pagpapa-ikot sa mga nasa paligid nila.

Kaloka, ha?

UMIYAK NA NGA, laugh naman ang mga tao sa rason kung bakit cry raw nang cry si Claire (Dela Fuente) sa recent album launch nito. Eh, ang dahilan daw kasi eh, ang pagbibigay ng mga bulaklak sa kanya ng singer na si Michael Bolton.

Eh, say ng isang mahadera, eh, bakit ngayon lang daw nag-cry si Claire about it, eh, more than a week na raw ‘atang ipinadala sa kanya ng nasabing singer ang mga bulaklak?

Akala nga raw nila, ang nasabing presscon, eh, para sa nalalapit na show ni Claire with Jomari Chan sa Sky Dome sa SM North EDSA. Eh, hindi naman daw ‘yun ang prinomote ng Ate Claire natin kundi si Michael Bolton.

Dagdag pa, naiiyak daw ito dahil at her age nga naman, eh, nagbukas pa ang door sa kanya sa international scene. May point. Keri?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleSipat-eklat #162: Echo at Tintin, ‘di na bagay sa roles na tinedyer na super-inlababo!
Next articleRegine Velasquez, tumaba dahil sa side effect ng gamot – Ogie Diaz

No posts to display