WHOA! OO nga naman. Ang nakakatawa nga, kahit ano ang tawag sa akin ng kanyang Momsy, ‘andu’n ang Congressman, Direk, sa huli ay Maestro. Aniya, interbyuhin ko naman ang anak niya na akin namang agad na pinaunlakan.
Tinanong ko ang Mommy ni Buboy Villar kung ano ang sasakyang ginagamit? “Ay, naku wala pa ho. Nagko-commute lang kami,” tugon na nakangiti.
May bahay na ba kayo? “Ay, wala pa rin ho.”
Magkakabahay ka, tiyaga lang at may sasakyan ka na ‘pag nagkita tayo.
Ikalawang pagkikita namin sa compound din ng GMA-7, tinanong ko kung may sasakyan na, ang sagot niya ay “Maestro mayroon na, van ho”. Buong pinagmamalaki niyang ikinuwento.
Ito ngang ikatlong pagkakataon, “May sasakyan at bahay na po kami.”
Ang tiyaga nga naman, ah.
Sino si nga ba Buboy Villar? Naging Best Child Actor para sa Ang Panday 2. Siya ay mula sa Little Big Star ng ABS-CBN at pinakabatang miyembro ng ‘Mak and Dudes’ at naging cast ng “Dyesebel” ng 2008, Zaido: Pulis ng Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids at mga pelikulang Supapalicious at Shake Rattle & Roll X.
Balita ko may bago kang award ngayon, ah? “Ay, opo! ‘Yung bago ko pong FAMAS, ‘yung pangalawa ko pong FAMAS.”
Galing! Tapos anong balak mo, maging dramatic actor? Comedian? Ano ba? “Ako bilang artista po, wala naman akong pinipili. Kung ano naman po iyong ibibigay nila sa akin, tatanggapin ko naman po. Pero ang gusto ko po talaga, comedy at saka action.”
Tapos pagdating ng araw, direktor. Natandaan mo iyong sinabi ko sa iyo? “Opo, parang gusto ko na rin pong maging direktor.” (Umapir kay Maestro)
Bukod doon sa Famas, mga ilang awards ka na ba? May indie films ka pa raw, eh. “Ah, teka, isang Guillermo, tatlo pong Filmfest (MMFF), dalawa pong Famas, ah anim po lahat pala.”
Galing mo talaga! Remember, huh, sabi ko magiging sikat ka. “Ay, opo.”
Bagay nasa sa iyo na rin ‘yan. Hehehe. “Ay, opo, nasa nag-aalaga po.”
Ano pa ba ang mga naka-line up mo ngayong palabas? “Ah, iyon pong sitcom na Home Sweet Home, bago po mag-24 Oras.”
Anong role mo rito? “Ah, hindi naman po siguro kontrabida, parang bully lang po. Bully po ako ni Jake Vargas. Bale kaibigan ko po rito si Kuya Ken Chan.”
‘Di ba nagkita tayo noon, doon lang kayo sa may tabi roon sa kabilang studio. Sabi nga ng mama mo, dito lang kami. Sinabi ko hindi, sisikat din ang anak mo. Bukod doon, five years from now, ano pa ang gusto mong marating. “Gusto ko po talaga, magkaroon ng business.
Sige ‘pag nakaipon ka, mga one year or more. “Ah, pinag-iisipan ko po, kasi gusto ko rin pong maging director.”
Ah, ‘di ba tama ‘yung sinabi ko sa iyo? “Opo. Hahahaha!”
Natandaan mo, noong una pa tayong nagkita, wala ka pang sasakyan, tapos nagkita tayo ulit. Sabi mo gusto mong magkabahay, ngayon meron na. Ah, ano pa ang susunod? “Ah, ito ibinigay po talaga sa akin ng Diyos talaga, kaya malaki ang pasasalamat ko. Kung hindi naman dahil sa kanya, hindi ko makakamtan ito. Saka kailangan ko rin pong pag-ingatan ito.”
Ay tama! Sa ngayon mukang ka-love team niya ay si Nozomi. Sige lang Buboy, ang isang bagay, dedikasyon sa trabaho hangga’t wala kang dapat atrasan, ang mga bagay sa daigdig ay may tamang kuwarto para sa ‘yo. Action at drama ang pag-igihan mo, ang comedy, iyan ang pag-aralan mo nang husto, doon ‘di ka mawawala.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia