‘Pag nakumbinsing tumakbo Bossing Vic Sotto, padadapain si Herbert Bautista!


MAHIGPIT DAW na makakalaban ng incumbent Quezon City Mayor Herbert Bautista si Bossing Vic Sotto sa pagka-mayor. ‘Yan ang usap-usapan ngayon na ewan kung me kumpirmasyon na mula mismo ke Bossing.

Sa ganda raw kasi ng image ni Bossing sa masa ay malaki umano ang tsansa nitong makapag-mayor agad.

Ang dami na raw kumo-convince ke Bossing na tumakbo na, lalo na ang mga kaanak nito, since ilang Sotto na rin ang nasa pulitika. Nandyan si Senador Tito Sotto, konsehal naman sa Parañaque ang kapatid na si Val Sotto at ang pamangkin kay Tito Sen na si Gian Sotto na konsehal naman ng Quezon City.

Next election naman ay for reelection si Gian at magbabalik ang kapatid nitong dating konsehal at ngayon ay sa 6th District ng Kyusi tatakbong konsehal.

Inuudyukan si Bossing Vic na tumakbo para raw ipagpatuloy ang legacy ng mga Sotto, dahil dalawang lolo nina Bossing ang naging senador nu’ng araw, sina Sen. Filemon at Sen. Vicente.

Pero may nakapagtimbre sa amin na ilang tao na ang kumukumbinsi kay Bossing Vic, pero hindi pa rin daw ito makitaan ng interest sa pagpasok sa pulitika.

Meron namang ilang nagpapayo kay Bossing na ‘wag nang tumakbo dahil ang gulo ng pulitika at mas masarap na ang buhay niya ngayon bilang isang TV host, producer at artista at ‘wag nang gawin kumplikado ang buhay.

Well, ang huling sey naman ay na kay Bossing Vic, pero kung kami ke Bossing, i-enjoy na lamang niya ang pagiging artista, dahil juice ko, ang hirap ng pulitika.

WOW! NAKAKATUWA namang malaman na naka-38.4 ang nakuhang rating ng Walang Hanggan nu’ng Monday. Kahit hindi naman kami ang bida eh, juice ko, aangkinin na naming naging bahagi kami ng kinababaliwang teleserye na consistently number one sa primetime.

At talagang ang mga twitter followers namin ay kabisadong-kabisado kung ano ang mga isinusuot namin (ayaw ng bow tie) at ang mga dayalog namin.

Juice ko, ‘eto nga at ang dinig namin ay aabutin hanggang October ang naturang teleserye nina Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, at Helen Gamboa.

At ang pinakabonggang narinig namin (tsismosa lang talaga kami) ay aabutin hanggang December ang Walang Hanggan. Juice ko, choosy pa ba kami? Hindi na, ‘no!

Sa taas ba naman ng tuition fee ng mga bata ngayon, hahahaha! Mas maganda kung abutin pa ito ng literal na walang hanggan.

DAPAT SA mga pulitikong nagmamalinis na ipinoprotesta si Lady Gaga eh, isama sa isang episode ng Face To Face, tutal mga sawsawero’t sawsa-wera naman ang drama nila. Juice ko, ba’t hindi na lang sila gumawa ng batas na makatutulong sa sambayanan?

May choice naman ang mga tao kung gusto nilang manood o ayaw nila. Wala namang pumi-pilit sa kanila. Saka iniinsulto ng mga pulitikong ito ang mga tao. Naaaliw lang naman sila ke Lady Gaga at hindi naman para sambahin ito kaya sila nanonood ng concert eh, bakit para silang mga initials ng asawa ni Regine Velasquez kung maka-react?

Hindi tuloy maialis sa mga tao ang isiping malapit na kasi ang eleksiyon kaya pati ang kagagahan ni Lady Gaga ay pina-patulan nila.

Feeling lang nila, binabastos ni Lady Gaga ang Kristiyanismo ng mga Pinoy. Na hindi pa naman nila napapatunayan. Eh, ano naman ang tawag sa mga pulitikong nangungurakot? Sakdal linis kayo?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleEnchong Dee, mahihirapang mahalin si Maja Salvador
Next articleProduction staff ng bagong show, namumroblema Roxanne Guinoo, buntis na naman!

No posts to display