BY NOW, we would assume na matagumpay na sumailalim si Lolit Solis at ang kanyang alagang si Lorna Tolentino sa stem cell treatment who left for Germany last July 1.
Sayang, hindi sila nagpang-abot ni Boy Abunda who flew with his mom Nanay Lising a week earlier, dahil “se-segue” pa raw ang King of Talk sa Paris, France na bale bakasyon na rin nilang mag-ina.
Hindi ikinakaila ni Lolit that the expensive treatment was sponsored by Dra. Vicki Belo no less, the latter having undergone the same process twice. Stem cell treatment, this much we know, is a rejuvenating process, ‘ika nga, para mong natisod ang fountain of youth.
Lolit is in her mid-60s. Isa raw sa mga “milagrong” idinudulot ng naturang treatment sa mga “BIR” (Babaeng Inurungan ng Regla) ay muli silang makararanas ng kanilang menstrual period. Sa aspetong ito pumalag si Lolit, “Naku, ang pagreregla pa naman ang hate na hate ko, ‘no!”
But what if muling maging aktibo ang kanyang erogenous zone, bluntly put, libog dahil feeling bagets siyang muli? “Hay, naku, magbabayad na lang ako ng mga call boy!” sey ni Lolit the day before flew to Germany.
IF KUYA Boy must be in France now, at sina Lolit at Ms. LT ay nasa Germany, ayaw pakabog ni Cristine Reyes who’s also in a European country: United Kingdom.
On an official business ang biyahe ni Cristine partikular sa kabisera nitong London bilang bahagi ng pagpapalawig ng The Filipino Channel (TFC) sa lupain ni Queen Elizabeth. The actress won’t be back until the third week of this month, ‘yun nga lang, a week after her arrival ay sasalubungin siya ng resolution kaugnay ng mga kasong Libel at Grave Coercion na isinampa laban sa kanya ng kanyang ate Ara Mina.
Ayon sa abogado ni Ara, si Atty. Enrique de la Cruz, Jr., umaasa sila na ibababa ng Quezon City Prosecutor’s Office ang desisyon sa kaso after mai-establish ang pagkakaroon nito ng probable cause. Worse, isang arrest warrant ang naghihintay kay Cristine sa pagitan ng July 29 at 31.
Kung si Ara ang tatanungin, seeing her younger sister suffer the legal consequences is not her major agenda. Baka nga raw sa ipatatawag na mediation process (which is mandated under the rules in court) ay lumambot ang kanyang puso tungo sa pagpapatawad.
All that Ara wishes, mapagbago niya ang kapatid whom she felt has become a swellhead sa tinatamasa nitong tagumpay sa kanyang karera. Sa totoo lang, pinabilib kami ni Ara sa kanyang pananaw sa buhay, she may be intellectually inadequate, wala mang kahit ano ang nasa pagitan ng kanyang mga tenga, but she has the wisdom in looking at life the realistic way.
Pasasaan daw ba’t ang magiging katapusan din ng real-life drama na ito ay ang pagbabalik-loob sa pamilya no matter what happens? Sa aspetong ito nagkakapuntos si Ara bilang pambawi sa kanyang kakapusan sa talino, making Cristine as the girl who possesses a sexy body minus an intelligent mind.
INAKUSAHANG GANID sa pera ni Lemi ang kanyang hipag na si Samera na gusto raw makiamot sa pamana ng kanyang ina. Ito ang kuwentong nakapaloob sa episode ng Face To Face ngayong Biyernes na Hipag Kinakamkam Ang Yaman Ng Biyenan… Kaya Si Manugang Na Walang Nahita Naglulupasay!
Katwiran naman ni Samera, buhat daw nang iwan siya ng kapatid ni Lemi ay mag-isa niyang itinaguyod ang kanilang mga anak, kaya maano lang daw bang humingi siya ng konting tulong-pinansiyal mula sa inheritance money na iniwan ng kanyang biyenan?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III