PAGKATAPOS ng halos dalawang taong legal dispute sa pagitan nina Nadine Lustre at Viva Entertainment ay mukhang nakakasa na ang muli nilang pagsasama sa paggawa ng proyekto.
Sa recent digital press conference ng Viva para sa tagumpay ng Vivamax at ng kanilang upcoming projects ay tinanong ng ilang kaibigan sa press kung ano ang plano nila para sa kanilang homegrown star.
“I think in few weeks we’re presenting to Nadine some projects that she may want to consider doing for us — movie projects for Vivamax or for the cinemas. So, we’re sitting down soon,” sambit ng president and CEO na si Vincent del Rosario.
“Boss Vic has asked us to come up with ideas, concepts that we can present to her, so we’re very excited with the opportunity to work with her again. Hopefully maybe soon. Also with James — whether through his music or sa pag-aartista. So ano lang, it’s a timing issue.” dagdag pa niya.
Natapos ang kontrata ni James Reid sa Viva noon pang 2019. Sa Viva nagkakilala at nadevelop ang partnership nina Nadine at James na minahal ng publiko bilang ‘JaDine’.
“Sa aming end, I think maraming beses na nasabi ni Boss Vic na… especially sa case ni Nadine na we have an active contract with her, na we want to work with her. We want her to do projects for us. It’s just ano finding the right materials kasi hinahanap din naman namin ‘yung bagay sa kanya saka ‘yung matutuwa siyang gawin.
“I’m sure within the year we’ll be announcing a project with her and hopefully beyond that, even si James… whether them as a couple or individually,” sabi pa ni del Rosario.
Ayon din kay Vincent del Rosario, bukas diumano ang communication sa pagitan ng kanyang ama na si Vic Del Rosario at ng kampo ni Nadine Lustre kahit pa very public ang naging legal battle nila.
“From my end, alam ko si Nadine, nakakapag-usap sila ni Dad. Nabanggit sa amin. I’m not sure about si James kasi nga wala naman siyang active contract with us. Si Nadine meron.
“Actually nagsimula na kaming maghanap ng materyales para kay Nadine to star in sa amin sa Viva. Excited ang Viva for that. Si Nadine naman is like family to us,”
Sinubukan ng kampo ni Nadine na lumalas sa Viva at tinawag na “oppressive” at “illegal” ang pinirmahang kontrata nito, na nagsasaad na hanggang 2029 pa nila exclusive talent si Nadine. Pinaboran ito ng Quezon City Regional Trial Court at sinabihan ang kampo na aktres na i-honor ang kanilang kontrata.
Kahit pa ito ang naging desisyon ay ‘victory’ pa rin ito sa panig ng aktres dahil walang makukuhang komisyon ang Viva sa mga naging proyekto ng aktres nang ito ay mag-self manage.
Let’s wait and see kung ano ang susunod na hakbang ni Nadine. Huli siyang napanood ng kanyang mga tagahanga sa mga pelikulang ‘Ulan’ at ‘Indak’ noong 2019.