Dear Atty. Acosta,
NAIS KO po sanang palitan ang pirma ko, p’wede po ba? Ma-lalakihan po ba ako sa gastos?
Arnel
Dear Arnel,
ANG PAGPAPALIT o pagbabago ng pirma o lagda ng isang tao ay maaari niyang gawin anumang oras niya ito naisin. Ito ay hindi nangangailangan ng kautusan ng korte at wala ring anumang gastusing kakailanganin para gawin ito.
Subalit kung ang nasabing pagbabago ng pirma ay gagawin para lamang makapanloko ng ibang tao o gagamitin sa paggawa ng krimen o labag sa ipinag-uutos ng batas, ito ay hindi maaaring gawin. Ganu’n pa man, ang ipinagbabawal sa ganitong sitwayon ay hindi ang pagpapalit ng pirma o lagda kundi ang paggamit nito sa gawaing labag sa batas.
Dagdag pa rito, ang nasabing pagpapalit ng pirma ay
magiging dahilan para hindi kilalanin ng isang bangko, institusyong pangpinansyal o iba pang ins-titusyon ang iyong bagong pirma kung ito ay hindi tugma o kapareho ng pirmang ginamit mo para makipagtransaksyon sa kanila, maliban na lamang kung ang nasabing pagpapalit ay ipinagbigay-alam mo na sa kanila.
Kaugnay nito, ang isang pirma ay ituturing na iyo kung ito ang intensyon mo na maging pirma mo. Walang batas na nagbabawal para gawin mo ito maliban na lamang sa mga nabanggit sa itaas.
Atorni First
By Atty. Persida Acosta