SIMULA PA LANG ng final telecast ng SOP sa GMA-7 noong Linggo, pinipigilan na nina Regine Velasquez at Jaya ang maiyak. Actually, naaawa kami sa major artists na kasama sa show na tumakbo sa ere ng maraming taon. Kahit nga may paglalagyan din naman sa kanila, hindi kagandahan ang impresyong maiiwan sa kanila ng pagbagsak ng isang show na sila ang nagdala. Magre-reflect din sa kanila kung bakit nag-fail ito.
Tama ang sinabi ni Regine na ang kumpetisyon sa ratings noon between SOP and ABS-CBN’s ASAP was some kind of a see-saw thing. May times na rumaratsada ang sa Dos, may times na Siyete ang nangunguna. Pero obviously, ang masasabi lang namin, ang magtatagal sa ere ay yaong talagang mas mataas ang kalidad, ‘yung ‘pag pinanood mo ay sadyang mamamangha ka dahil hagip ang pulso ng makabagong manonood, at mayroon pa ring appeal doon sa mga dating tumatangkilik nito.
‘Yun ang ASAP na nag-evolve through the years. Ito ang sa tingin namin ay kakulangan ng SOP. Hindi namin natatagalang panoorin ang SOP, dahil wala itong appeal sa amin, although humahanga rin kami sa talento nina Regine, Jaya, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Would you believe? Pinag-aksayahan namin ng panahon ang last telecast ng SOP, dahil na-curious lang kami kung paano ito magpapaalam, kahit inaasahan naming hindi na rin magtatagal ang show.
[ad#ad-text-links-1]
GMA-7 should do a lot of reassessment as far as their programming is concerned. Ang kanilang SiS na nagpadapa sa maraming morning talk shows noon sa kalabang network ay inilampaso nang todo ng Showtime na nag-introduce ng makabagong konsepto sa ganoong timeslot, hanggang sa tuluyan itong isinara. Tapos, ito namang SOP na flag-carrier nila sa musical variety ay dinurog ng ASAP XV na talagang world-class ang appeal at walang dudang mas nakaeengganyong panoorin, dahilan para hindi makaagapay ang Kapuso network sa kumpetisyon.
Kulang na kulang sa sikat na talento ang GMA-7 sa musical-variety genre. Nasaan na ang homegrown talents nilang nakapanghihinayang na napasikat naman nila kahit paano, pero parang hindi na-sustain. There’s something wrong on how they are being built up. Nabuntis lang si Jennylyn Mercado, parang napabayaan na ‘yung aspetong singer siya, first and foremost. Ganoon din si Yasmien Kurdi na napakaganda ng boses, pero ano na ang nangyari?
We’re just citing examples na kung tutuusin, nakatulong sa GMA-7 ang tamang pagbi-build up sana ng kanilang talents, pero dumaraan ang panahon na naglalaho na lang ang ningning ng mga ito dahil sa kapabayaan.
Sa Dos, dinebelop nila si Piolo Pascual na hindi naman kilalang singer, pero naka-establish ng pangalan as a musical star. Ganoon din si Sam Milby, na nakagugulat, from being a rock star, nag-transform into a leading man, at kung minsan, napapanood pa sa ASAP XV na nagsasayaw. Sa GMA-7, ano na ang nangyari sa pagkanta-kanta ni Dingdong Dantes? Lalo naman si Dennis Trillo? Nagsimua sila ng build-up para gawing recording or musical artists ang mga ito, pero hindi naman napanindigan.
Lalo naman ‘yung sandamakmak na dini-discover nila for any reality talent search, na hindi pa man nasisilayan ang kasikatan ay pinanawan na ng ningning. Classic examples sina Jonalyn Viray, Gerald Santos, at kung sinu-sino pa.
Calm Ever
Archie de Calma
Poll: Sinu-sino nga bang SOP hosts ang dapat i-retain sa Party Pilipinas? SAGOT NA!