Pagbebenta ng karne ng aso!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

I’m a concerned citizen and a dog lover, I just want to report na may nakita akong nagtitinda ng lutong aso sa Brgy. Rio Chico sa General Tinio, Nueva Ecija, specifically sa may kanto ng Sitio Gulod. Sana ay maaksyunan po ninyo dahil talamak na sa lugar na ito ang pagbebenta ng karne ng aso. Nakakaawa ang mga aso.

Isusumbong ko lang po ang isang poultry na walang tamang tapunan ng mga patay na manok. Mabaho po at malapit sa ilog dito sa Talakag, Bukidnon.

Nais ko po sanang idulog sa inyong tanggapan ang aming problema rito sa lugar namin dahil sa babuyan na masangsang ang amoy rito sa Sitio Masanting, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Idinulog na namin sa sanitary office ng munisipyo ng Tanay ngunit hindi po pinansin ang aming sumbong. Ang nasabing piggery ay nasa residential area kaya maraming residente ang naaapektuhan. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema. Maraming salamat po.

Gusto ko pong ireklamo ang Llamas Memorial Institute sa Mariveles, Bataan kasi kapag nag-enroll automatic na may P100.00 para sa PTA at bukod pa doon sa contribution na sinisingil sa bawat bata.

Ireklamo ko lang po ang Rizal National High School dito sa Baguio City dahil naniningil sila ng P1,015.00 para sa PTA.

Reklamo ko lang ang Lugan Central School ng T’boli West District, South Cotabato dahil sa paniningil ng kung anu-anong kontribusyon ng PTA.

 

Isusumbong ko lang po ang talamak na pagputol ng puno rito sa San Miguel, Catanduanes. Sana po ay matulungan ninyo po kami upang hindi na maulit na magbaha ng troso tulad nang nangyari dati noong bumagyo.

Isa po akong residente sa Brgy. Makinabang, Baliuag, Bulacan. Nais ko lang idulog ang problema namin sa poultry dahil sobrang dami ng langaw. Halos hindi na po kami makakain at makatulog sa gabi dahil sa dami ng langaw. Wala naman pong ginagawang aksyon ang kinauukulan.

Gusto ko lang po sanang humingi ng tulong para malagyan ng bantay ang overpass/footbridge sa Brgy. Nuevo, Guadalupe sa Makati dahil nanakawan na po sa bag dati sa lugar na iyon at ayaw ko na pong maulit sa iba iyon.

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleNora Aunor, nag-walk-out sa gala night ng kanyang pelikula sa Cinemalaya?
Next articleRonwaldo Martin, hangga’t maaari, ayaw maikumpara sa kanyang Kuya Coco

No posts to display