PORMAL NANG BINUKSAN nitong July 15 ang ika-7 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na may temang “See the Unseen” sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines, sa Roxas Boulevard, Pasay City sa isang simple at makabuluhang palatuntunan. Sa ginanap na opening ceremony, naging atraksyon sa mga nanood kabilang ang mga local celebs, media at foreign guest, ang mga kinatawan ng mga grupong pangkultura, tulad ng Seven Contemporary Dance Company at Philippine Dance Ensemble. Nakakaloka na may mga nag-topless na mga kalalakihan habang nagsasayaw at mayroon pang bumitin nang patiwarik mula sa ikatlong palapag ng makeshift iron stage
pababa sa audience area. Bongga! Makitanaw tayo sa mga napitikang taartits na nag-may-I-attend sa
taunang fi lm festival.
Photos by Mark Atienza & Luz Candaba
By MK Caguingin
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service