MASAYA si Piolo Pascual kung paano hina-handle ng anak niyang si Iñigo Pascual ang mga isyu laban sa kanila pertaining to viral video sa social media at ang reaksyon ng kanilang bashers. Mas matured pa nga raw mag-isip ang binata niya kumpara sa kanya.
Kahit din daw hot item silang mag-ama, ayon kay Piolo, hindi nila napag-uusapan ng anak ang tungkol dito.
“We never even talk about it. You know, one thing good about my son, he’s 19, turning 20, sobra na ‘yung maturity niya. May mga bagay na pinag-uusapan namin and I don’t have to filter things anymore. He’s mature enough to understand,” pahayag ng bida sa pelikulang “Northern Lights: A Journey To Love” na showing on March 29.
Nang tanungin kung sa tingin ba niya ay hindi mangyayari sa kanila ni Iñigo ang nangyari sa mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, ani Piolo ay hindi raw tamang magkumpara.
“You can never compare. I mean, you know, I love Diego, he’s a good kid. Si Kuya Buboy (Cesar) din, I cannot compare that, that’s not right, para i-compare mo ang sitwasyon ng ibang tao.
“I’ll always be a father to my son,” katuwiran niya.
Inamin din ni Piolo na noon ay dumaan din daw si Iñigo sa stage na nahihiya at nao-awkward itong mag-kiss sa parents lalo na sa kanya.
“Dumaan si Iñigo du’n, ‘pag hinahatid ko sa school before, ayaw niyang mag-kiss,” sambit ng Ultimate Heartthrob.
Maaaring nakatulong daw na nakikita ni Iñigo na palagi pa rin niyang kini-kiss ang mommy niya kaya nawala ang awkwardness sa binata.
“Because until now, I kiss my mom on the lips. Kasi ganu’n kami pinalaki, ganu’n kaming magkakapatid, nagki-kiss kami sa lips and you cherish the moment, you treasure that moment that you get to be physical with your loved ones,” he said.