AYAW talagang tantanan ng bashers si Kris Aquino at laging binibigyan ng kulay ang kanyang mga ginagawa. The latest we read is about this basher na iniintriga si Kris tungkol sa pagiging generous niya at pagbibigay ng mga regalo.
Sa post ni Kris sa kanyang Instagram account ay halatang hindi naman siya naapektuhan sa komento ng kanyang basher.
Iginiit din niyang hindi siya mapipigilan ng kahit sino na magbigay kahit kanino dahil hard-earned money naman niya ang kanyang ginagastos.
Sabagay, tama nga naman. Pakialam ba nila kung ano ang gagawin ni Kris sa kanyang pera, huh!
Isang netizen ang nag-post ng “Just thinking baka ma-bashna naman kayo dahil sa pagbigay ng gift nyo kay Mega. Sabihin na naman ng iba for publicity na naman.”
Sagot ni Kris dito, “What gift are you talking about? Buti ka pa alam mong may gift akong pinadala. 2nd what makes you think that the opinion of bashers woud have an effect on my generosity? Kung may gusto kong padalhan ng anything -since pera ko naman na pinaghirapan – super care bears.”
Ayon pa kay Kris, tanggap naman niya na ang mga bashers would have always something negative to say about her no matter what.
“Those who hate me will always choose to see the bad in me, in anything I do – but guess what I can aso choose to live my life in the way I know is best fro me. I have a new life motto – if they cannot say it to you in person, why take it personally?” paliwanag niya.
La Boka
by Leo Bukas