MASAYA ang singer-songwriter na si Marion Aunor sa pangangalaga sa kanya ng Viva na nagsimula taong 2018 nang matapos ang kontrata niya sa Star Music.
“I’m happy sa mga nangyari sa career ko with Viva. That’s when I started composing Tagalog songs and nagamit din po sa mga blockbuster films like “The Day After Valentines” (Akala), “Just A Stranger” (Delikado), “Never Not Love You” (cover of “Sana”), etc. Right now my song “Akala” is at 25M streams on Spotify,” kuwento sa amin ni Marion sa interview via Messenger.
Nagsimula ang singing career ni Marion nang manalo siyang third place sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2013 para sa kantang If You Ever Change Your Mind na siya ang interpreter at composer.
Dahil apektado ng kasalukuyang pandemic dahil sa covid-19 ay natigil ang mga gigs ni Marion. Dito niya naisip na i-revive ang kanyang Yotube channel at mag-release ng mga covers weekly na palaging patok sa netizens.
Lahad niya, “Since wala pong live shows ngayon, lahat ng gigs and guestings halos online na po. That’s when I decided to revive my Youtube channel (Marion Aunor Official). Naging busy rin po ako sa pag-release ng covers weekly with the help of Viva’s Oomph TV and Aunorable Productions (music and video production ng sister ko na si “Cool Cat Ash.
“Nag-start po siya nung may nag-request po sa akin na mag-cover ng “Harana,” then mukhang nagustuhan naman po siya nung pinost ko online. So tinuloy-tuloy ko na po.”
Kabilang sa mga kanta na ginawan niya ng cover version ay ang Feeling Good ni Nina Simone, Here Comes the Sun ng The Beatles, Baby It’s Cold Outside, Harana (Parokya Ni Edgar), Huwag Na Lang Kaya (True Faith), Teka Lang (Emman Nimedez), Pumapatak Ang Ulan (Apo Hiking Society), O Lumapit Ka (Ella del Rosario), Simply Jessie (Rex Smith), Fly Me to the Moon (Frank Sinatra), Feeling Good (Nina Simone), Ikaw Pa Rin (Tito Mina), All My Loving (The Beatles), The Christmas Song (Nat King Cole), Santa Baby (Eartha Kitt), Christmas in Our Hearts (Jose Mari Chan) at ang Here Comes the Sun ng The Beatles.
Kapansin-pansin sa ilang music video ng mga cover songs ni Marion ang sultry singer. Ito na ba ang bago niyang image na ipo-project ngayong 2021?
“Hindi ko naman po plan na gawin yun, ang magpa-sexy. Ha-ha-ha! Binagay ko lang po yung image ko sa mga songs na kinakanta ko. Basta based on my music po lagi kung ano yung looks ko,” paliwanag ni Marion.
Ngayong 2021 ay magpo-focus muna si Marion sa paglikha ng mga bagong kanta para sa single release o kaya’y OST ng mga shows or films ng Viva.
Si Marion ay anak ng dating member ng Apat Na Sikat noon sa showbiz na si Maribel “Lala” Aunor. Other members of the group are Arnold Gamboa, Dondon Nakar and Winnie Santos.