Pagka-Allergic sa Ingles ng Sikat na Aktres, Ipinamukha ng Kanyang Handler!

BLIND ITEM: TILA sa halip na warfreak-in ng isang sikat na aktres ang kanyang kapwa artistang babae, medyo ibaling naman niya for a change ang kanyang pagkaimbiyerna sa mismong handler niya.

Kuwento ito ng staff ng isang programa hosted by a fashionistang aktres, inabangan nito para sa isang interview an gating bida. In fairness, naabisuhan naman ang aktres na meron siyang scheduled interview sa set ng kanyang soap na dinayo pa ng staff.

Pero nagtataka ang staff kung bakit pansinin-dili sila ng aktres, sa halip ay ang handler nito ang humaharap sa kanila. “Kayo po ba ang mag-iinterbyu?” tanong ng handler sa program staff. Sagot nito: “Kami nga, pero hindi ako, ‘yung kasama namin ang mag-iinterbyu.”

Matagal daw bago sila balikan uli ng handler, pero dahil ang staff naman ang may sadya sa aktres ay okey lang silang paghintayin. Maya-maya pa’y lumapit na ang handler, pasimpleng inangklahan ang isang staff sabay bulong ng, “Atin-atin lang po ito, ha? Request po kasi ni (pangalan ng sikat na aktres) na kung puwede sana, eh, Tagalog na lang ang interview.” Tumango naman ang staff.

Hindi naman kasi na-realize ng staff na allergic pala sa Ingles ang pakay nilang aktres. Kumbaga, hindi nila na-“psychology” …’yun na!

SA MGA TAGAHANGA ni Mr. Fu sa Tweetbiz, by now ay alam n’yo na po na pormal nang nagpaalam ang jock cum TV host sa sinusubaybayan n’yong showbiz program sa QTV gabi-gabi noong Biyernes.

Naging madamdamin nga ang farewell episode na ‘yon ni Mr. Fu, tulad din ng pamamaalam noon ni Sam Y.G. (o Shivaker) who was with Tweetbiz for two seasons, Bagama’t mabigat sa loob ang pagbabu ni Mr. Fu sa naturang show, we all know that in life, some good things never last. But one thing’s for sure, there are better things in store for us.

At napakaliit din lang ng mundo para hindi tayo muling magkabungguang-siko.

My sincere prayers though go out to Mr. Fu for his father’s speedy recovery. Sa huling kuwento ni Mr. Fu, nasa ICU pa rin sa isang ospital sa Saudi Arabia ang kanyang 60 year-old dad who suffered a stroke, na buti na lang ay inaasikaso ng kanyang ina roon.

Mahigit tatlong season din naming nakapiling nina Tim Yap, Danzen Santos, Sebastian Mendoza, Justine Ferrer, Mr. E at Tito Gorgy si Mr. Fu, who has probably found a home in TV5. Anim na pindot lang ang pagitan ng TV5 sa QTV 11, but it’s not the button on our remote control.

It’s the channel of camaraderie without interruptions.

KUNG DIRETSONG TALAKAN, pagkaminsa’y meron pang tulakan sa paghimay ni Amy Perez ng mga gusot na pam-barangay sa Face to Face, a more visual, intense presentation unfolds on TV5’s Untold Stories inspired by it.

True to its program title, mas malalim pa ang pagtalakay sa bawat bangayan ng dalawang panig, halimbawa na lang ang simpleng panunuba sa utang ng isang kapitbahay, ‘yun pala’y may nakapaloob na pang-aabuso sa isang dalagita ng kanyang amain.

Kumbaga, what you see on Face to Face is just the tip of the iceberg, underneath lies a story waiting to be told, a mystery to be unraveled, an end result to be justified.

Tulad na lang ng episode ngayong Huwebes, kuwento ito ng isang nagkasirang pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae (played by Jopay Paguia) at isang bakla (ginagampanan ni Paolo Ballesteros) na nag-away dahil sa iisang lalaki. Maaaring noong nireresolba ni Tiyang Amy ang problemang ‘yon sa Face to Face ay katawa-tawa ang dating ng episode, but wait till you see its dramatized version.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAlfred Vargas, magpapakasal na!
Next articleMariel at Robin, ‘di ipagdadamot sa publiko ang church wedding sa Disyembre

No posts to display