Pagkatapos kay Heart, Annabelle kay Miriam: “Wag kang suwapang sa pera!”

MAY KANI-KANIYANG dahilan sina (I will assign countries to their names) Jamaica at Indonesia sa kasado na sanang paglipat nila sa TV5, but as of this writing ay hindi na raw ‘yon matutuloy.

Simple lang ang reason for transfer ni Indonesia: kawalan ng assignments sa kanyang mother studio. Iba naman ang drama ni Jamaica, paglimot sa dati nitong nobyo na prime artist ng lalayasan na sanang istasyon ang dahilan ng kanyang paglipat.

Kamakailan, nilinaw na ng isang lady executive (so, do you also want her named as a country? Sige, itago na lang natin siya sa bansang Guatemala as her last name) na napigilan na raw ng istasyon ang napipintong transfer nina Jamaica at Indonesia. Nasa planning stage na raw ang kanilang mga susunod na proyekto.

Pero gaano katotoo na hindi basta-basta puwedeng umalis ang dalawang hitad dahil nag-loan sila sa kanilang mother network, na hanggang ngayon ay hindi pa fully-paid?

Clue: “makinang” si Jamaica, samantalang “masebo” naman si Indonesia.

STEP ASIDE, HEART Evangelista dahil ang pinupuntirya naman ngayon ni Annabelle Rama ay ang isa pang alaga nitong si Miriam Quiambao. Bagama’t walang emosyon at boses ang text message, I couldn’t blame Tita Annabelle if she felt slighted by Miriam’s wanting to see her manager on a Friday afternoon.

More or less kasi ay ganito ang nilalaman ng mensahe ni Miriam: gusto niyang malaman kung ano na ang plano ng manager para sa buhay at career niya. Again, unless typed in capital letters o may kasamang cuss words, mahirap basahin ang tono ng text. But Miriam’s message was strongly worded, demanding her manager to produce results to address her dwindling career.

With yet another looking war between manager and artist, hindi nakapagtataka kung pansamantalang mada-divert kay Miriam (mula kay Heart) ang maanghang na bibig ni Tita Annabelle. In her reply nga to Miriam: huwag daw itong suwapang sa pera.

Parang wala namang nakakikilala sa feisty manager. Whoever crosses her path is not spared the greatest regret of having challenged her to a fight. At walang ending sa away na ‘yon.

NAGSIMULA NA NITONG Lunes ang mas agresibong pag-atake ng News & Public affairs department ng TV5 in delivering the latest and the biggest headlines on a daily basis.

Forty five reporters get their act together upang maghatid ng mga importanteng kaganapan sa ating kapaligiran employing touch screen graphics and live pack video. Live broadcast is made possible through leading-edge virtual studios, the first in Philippine broadcasting.

Must-see ang Aksyon nina Cheryl Cosim, Erwin Tulfo at Paolo Bediones at 6 p.m. Huwag ding palampasim ang Sapul nina Erwin, Shawn Yao, Lourd de Veyra at Martin Andanar sa mas maagang time slot, 5-8 p.m.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBoy Abunda, diretsahang sinagot si Kris Aquino
Next articleP-Noy, basted?: Liz Uy, mas type si Zanjoe Marudo?!

No posts to display