SA BAHAY lang ako nu’ng nakaraang eleksyon para tumutok sa TV at masubaybayan ang mga nagaganap, at naloka ako nu’ng napanood ko ‘yung nangyari kina Sen. Bong Revilla.
Maaga lang umuwi ang driver ko, pero kung hindi pa nakaalis ang driver ko, baka sumugod na ako du’n sa Cavite, ‘day!
Awang-awa ako kay Bong na naha-harass ng mga PNP doon. Alam naman nilang ilang liders na ni Bong ang napatay kaya nag-iingat na sila. Talagang nag-iingat sila dahil alam n’yo naman ang mga kalaban niya.
Mabuti na lang at panalo sila, lahat sila panalo kaya masaya ang lahat at maganda ang kinalabasan ng hirap nila.
Ang isa pang masayang-masaya ako siyempre ang pagkapanalo ni Alfred Vargas.
Alam ko prinoklama na siya kahapon kasama sina Anjo Yllana, Roderick Paulate at sina Herbert Bautista at Joy Belmonte.
Masaya rin ang buong movie industry dahil nasa number one slot pa si Grace Poe na suporta ng industriya kaya wagi na naman ang showbiz niyan!
Kaya congratulations sa lahat na nanalo at sana nga mapatunayan ng mga nanalong artistang kandidato na karapat-dapat silang ihalal sa posisyong pinanalunan nila.
ALAM KO si Jolo Revilla ang gusto ng mga taga-Indio na lumabas ni Bong bago ito mag-end.
Pero parang ‘di na yata kaya nito dahil sa bagong posisyon niya sa Cavite at medyo tumaba siya.
Kailangan pa niyang magpapayat at marami pa siyang asikasuhin sa pagiging vice-governor niya.
Alam ko magbabakasyon pa muna ito kasama si Jodi Sta. Maria siyempre.
Hindi kaya kasalan na ang susunod?
KINUMPIRMA NA ng mga mainstays ng Party Pilipinas na hanggang sa Linggo na lang ito at papalitan na ito ng bagong musical-variety na ibang-iba raw sa lahat.
Napag-uusapan ang pagkatsugi nito, isang malaking factor daw kaya ito tsinugi ay dahil sa nalalapit na pag-alis ni Ogie Alcasid at ang isang buwang bakasyon ni Regine Velasquez.
Alam ko, malapit na ring matapos ang kontrata ni Regine sa GMA-7 kaya posibleng sumunod siya kay Ogie sa TV5.
Ang gusto na yata ng GMA-7 ngayon, mga bagong mukha, mga bata at hindi na kagaya nu’ng SOP at itong huli nga ang Party Pilipinas.
Tingnan na lang natin, kung ano ang announcement pa ng GMA-7 tungkol dito.
Pero pinaghahandaan na nila ang ipapalit dito at sana nga maganda ang kalalabasan na kaya nang talunin ang ASAP ha?!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis