Pagkatapos ng serye: Kristine Hermosa, may aabangan pa ba?

HINDI NAPAHIYA SI Lorna Tolentino sa proyektong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, ang Dahil May Isang Ikaw, dahil hanggang sa dulo ay tinangkilik ang naturang teleserye at ngayong magtatapos na ito, nasa tuktok pa rin ito ng ratings game. Kung noong una ang inaabangan ay ang balik-tambalan nila Jericho Rosales at Kristine Hermosa, ngayon ang habol na ng tao ay ang nakagugulat na takbo ng istorya.

Dalawang gabi na nga lang at magpapaalam na ang kanilang soap opera na napamahal na rin talaga sa viewers gabi-gabi. Nagkaroon man ng kontrobersiya at intriga sa kanila ni Chin-chin Gutierrez, naitawid pa rin nila ang kanilang palabas dahil na rin sa matinding sense of professionalism ni Lorna Tolentino. Obviously, nalulungkot ang buong cast and crew ng naturang soap, pero excited din sila sa makikitang ending ng viewers. Kahit tapos na raw ang soap ay baka pag-usapan pa nang husto ang kanilang palabas.

Malaki rin ang pasasalamat ng viewers at TFC subscribers sa ABS-CBN sa pagtupad ng kanilang request na makita sina Jericho at Kristine na magkasama sa isang TV series. Magandang comeback nga ito para sa dalawa, pero ang tanong ngayon, e, kung saan at ano na ang next projects nila?

‘Yan ang aabangan nating lahat!

GUSTO LANG NAMING ipahatid ang aming congratulations sa buong staff ng The Bottomline with Boy Abunda sa mataas na ratings na nakuha nito nu’ng Sabado kung saan guest ang latest evictee ng Pinoy Big Brother Double Up na si Rica Paras. Nakakuha ng 7.7% ratings ang show na mataas kumpara sa mga katapat nitong programa. Mataas na ang ratings na ito dahil late-night na umeere ang programa. Ito na ang isa sa mga magagandang episodes na nakakuha ng magandang ratings at feedback mula sa viewers, kasama ang episode ni Efren Peñaflorida.

Tuwang-tuwa naman si Rica sa feedback na nakuha niya. Maituturing daw niya itong isa sa mga hindi niya malilimutang interviews ng buhay niya. Marami siyang nakuhang feedback at papuri mula sa kanyang mga kilala. Mismong mga network insiders ay napahanga ni Rica at naipakita niya sa lahat na siya ay isang taong matalino, may sense kausap at may paninindigan sa kanyang ipinaglalaban.

Si Rica ang kauna-unahang transgendered woman sa loob ng bahay ni Kuya. Siya rin ang vice-chairperson ng STRAP o Society for Transgendered Women of the Philippines kung saan isinusulong nila ang adbokasiyang tumulong sa mga transgenders and transexuals dito si Pilipinas na biktima ng mga pang-aabuso. Bukas na bukas din naman daw si Rica sa pagpasok sa pulitika kung sakaling dumating ang panahon!

Ngayong Sabado, si Commission on Human Rights chairperson Leila de Lima naman ang haharap sa taong bayan at uupo sa hotseat ng The Bottomline with Boy Abunda. Napapanahon ang pagge-guest ni Chairperson de Lima sa programa dahil sa mga walang katapusang katanungan at balita tungkol sa paglabag sa karapatang pantaong nagaganap sa bansa.

Mapapanood ang The Bottomline with Boy Abunda sa ABS-CBN sa Sabado, pagkatapos ng Banana Split.

Previous articleEula Valdez: kinaiinggitan ang lovelife! – Archie de Calma
Next articleDerek Ramsay, naispatang kasama si Jinkee Pacquiao sa isang mall?! – Tita Swarding

No posts to display