TAMA LANG ang posisyon ni Angelica Panganiban na huwag munang umeksena kay John Llyod Cruz kahit sabihin pa na hayagan na ang relasyon nilang dalawa (kahit ayaw man nilang aminin).
Siyempre, respeto sa “boyfriend” niya na si Lloydie at sa kapareha na si Bea Alonzo na muling magsasama sa pelikulang The Mistress na naka-schedule ipalabas next week.
Ayaw ni Angel umagaw ng eksena kahit na sa nakaraang Star Magic Ball na isinagawa sa Shangri-La Makati ay hindi sabay lumakad sa Red Carpet ang “mag-sing-irog”.
At least, knows ni Angel ang kanyang kinaroroonan at ayaw niyang mang-agaw sa publicity and promotion ng pelikula.
Pero kwidaw ka, right after the Star Magic Ball, kinaumagahan, nasipat naman ng isang spy namin ang dalawa (Angel at JLC) na sabay nagbe-breakfast sa lobby ng Manila Pen.
Medyo basa pa ang mahabang buhok ni Angel habang si Lloydie naman ay ina-alalayan sa paglalakad ang “girlfriend” patungong mesa kung saan doon sila nakita ng source namin.
This only mean na nag-check-in sila sa hotel noong gabing ‘yun (or shall I say noong mada-ling araw na ‘yun).
HINDI MAN hayagan ang kanilang positive stand sa RH Bill ang mga showbiz personalities natin, malamang sa hindi, sila mismo nagpa-practice ng itinuturo ng RH Bill na ito.
Kung baga, they’re not young. Hindi na sila mga menor de edad na sa tuwing napapabalita na nagbabakasyon sila or on an out of the country trip with their partners; imposible naman na sa separate room sila natutulog, ‘di ba?
Nang magbakasyon sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Cambodia noon, malamang sa hindi, sa iisang kuwarto sila naka-check-in.
Maging sina Rayver Cruz at Cristine Reyes nang mag-spend ng New Year sa New York last year, I’m sure, sa isang mainit na kama sila magkasama na magkayakap sa magdamag.
Dahil mga smart at malamang sinusunod din nila ang morality clause ng mga contract nila sa mga products na ini-endorse nila (lalo na ang mga female stars natin); para iwas mabuntis; they know what to do with themselves para walang sabit nang wala sa oras.
‘Yun nga lang, I just don’t know kung ang pagpa-practice nila ng “Iwas Pagbubuntis” ay sa pagitan ng Rhythm Method, Pills o ‘di kaya’y Withdrawal Method.
Malamang, kung withdrawal method ang pina-practice ng mga binata natin, I’m sure mainit ang ulo nina Dingdong at Rayver. Hindi kaya?
MAGALING NA rakista ang baguhang si Paula Bianca. With her self-titled album from Vicor Records; nominated ito sa darating na Star Awards for Music sa darating na Sunday na gagawin sa Meralco Theater. Nominado rin ang magandang singer as Best Promising Female Rock Artist.
Para patunayan kung gaano siya kagaling; catch her Friday next week (September 14) sa Zirkoh Morato as one of the guest ni Daniel Padilla at Kris Bernal and also in a special show at Music Box on the 19th of this month na produced naman ng mga entertainment writers na sina Fernan de Guzman at Mildred Bacud.
Reyted K
By RK VillaCorta