TANGGAL NA sa grupo ng Clique V si Rocky Rivero. Napagdesisyunan ng manager na alisin sa grupo ang binata dahil sa pagiging unprofessional nito.
Madalas na hindi uma-attend sa rehearsals si Rocky at hindi rin sumasama sa mga shows. Hindi rin ito nagre-reply sa messages ng kanyang road manager.
Bago i-terminate ng 3:16 Events & Talent Management ang kontrata ni Rocky at pagdesisyunang kasuhan siya ay binigyan pa nila ito ng chances. But as expected, hindi rin nito sinisipot ang planong pakikipag-meeting.
Part ng kasong breach of contract ni Rocky sa kompanya ni Len ay ang i-buy out nito ang kontrata sa kanya ng kung sinumang manager na kukuha sa kanya. Puwede rin daw na siya na rin mismo ang bumili ng kanyang kontrata para mai-release siya.
Habang hindi pa naba-buy out ang kontrata ay bawal munang tumanggap ng kahit anong raket si Rocky. Hindi rin niya puwedeng gamiting ang pangalan ng Clique V at ang affiliation niya dito.
Bago i-manage ng 3:16 ay dumaan na rin si Rocky sa iba-ibang managers. If I’m not mistaken, pang-fifth na manager na niya si Len. He’s like a butterfly na palipat-lipat.
“Kapag ganun ang talent, na dumaan na sa maraming managers wala na sa management ang problema don, nasa talent na. Nag-take ako ng chance para tulungan siya kasi naaawa ako sa kanya, pero wala ring nangyari,” reaksyon ni Len.
Hindi naman makakaapekto sa Clique V ang pagkawala ng kanilang dating kasamahan. In fact, mas naging okey pa ang kanilang working relationship dahil nawala na ang feeling star at pasaway.
Samantala, ang Clique V ay binubuo ng mga talented and good looking male members na sina Marco, Karl, Sean, Clay, Gab, Calvin at Kaizer.
La Boka
by Leo Bukas