FALSE ALARM DAW ang napapabalitang pagkatsugi ng longtime-running gag show sa bansa, ang Bubble Gang. Ayon sa aming source, nagulat nga raw ang mga taong namamahala sa nasabing show.
Tsika nga nito, papano’ng matsutsugi ang Bubble Gang samantalang isa ito sa may mataas na ratings sa mga shows ng Kapuso Network. Bukod pa sa dami ng load ng commercials nito.
Gusto lang daw sigurong lituhin ng taong nagkakalat na matsutsugi na ang Bubble Gang para hindi na manood ang mga ito at sa ibang gag shows na lang matuon ang atensiyon ng mga avid viewers ng Bubble Gang. Pero sorry na lang daw sa nagkakalat ng maling balita, dahil on-going pa rin ang pagpapalabas nito at patuloy pang mapapanood tuwing Biyernes ng gabi. ‘Yun na!
WALA RAW DAPAT ikainggit ang young star na si Bea Binene sa kapwa nito Tween Star na si Louise Delos Reyes na ngayon ay magbibida na sa Alakdana na mapapanood na sa GMA-7 Dramarama Panalo sa Hapon ng Kapuso Network sa Jan. 24.
Ayon kay Bea magkaibigan sila ni Louise kaya naman ‘di uso sa kanila ang inggitan at kahit nga raw ang ibang co-tweens niya ay happy sa bagong achievements ni Louise. Sana nga raw, suportahan din ang show ni Louise katulad ng pagsuporta ng mga manonood sa top-rating show nila na Tweenhearts.
“Naku sa amin walang inggitan, lahat kami magkakaibigan. Kung ano man po ang ma-rating ng bawat isa sa amin, masaya kami.
“Naniniwala naman po kasi ako na kanya-kanyang panahon lang ‘yan. Siguro, panahon lang ni Louise at bagay sa kanya ‘yung role na Alakdana, kaya sa kanya ibinigay ng GMA-7.
“Alam ko naman pong darating din ‘yung time ko at willing naman po akong hintayin ‘yung break ko na magkaroon ng solo show.
“Ang mahalaga naman po kasi, may trabaho ako at hindi ako nababakante. Katulad ngayon, may dalawang regular shows ako, ang Party Pilipinas at Tweenhearts na extended hanggang April 11.
“Bukod pa sa balik Primetime ako with Jhake Vargas kasi kasama kami sa Captain barbell , so bukod sa two shows ko may bago rin akong show na pang primetime. Kaya lahat kami may kanya-kanyang shows.
MATAGUMPAY NA NAIDAOS ang birthday celebration cum dance contest ng Star Builder at Father Of The Mall na si Kuya Jay Delos Reyes na ginanap sa Aliwan Complex, Meycauyan Bulacan last January 15, 2011, kung saan nagsilbing host si Bong.
Walong regular dance group ng Aliwan With Kuya Jay ang naglaban-laban at 16 naman ang mga grupo ng mga mananayaw ang nag laban-laban mula sa iba’t ibang lugar. Sa 8 regular dancers, nagwagi ang Dream Guys, samantalang sa 16 na grupo, nakopo naman ng Genwine Movers ang 3rd Place, habang 2nd place ang D R Crew Movers, at itinanghal na champion ang grupong Street Turbo.
Naging espesyal na panauhin ng araw na ‘yun at naging hurado ang member ng newest boyband sa bansa ang 4-Teen/ model/ actor at anak ng Brgy. Chairman ng Meycauayan, Bulacan na si Kapitan Dem San Pablo at SK ng Meycauayan Bulacan na si Tikboy San Pablo na si Miguel San Pablo, Yourstruly at ang balladeer / model/ actor na si Mike Balmeo kasama ng kanyang grupo, at si Jay Villegas. Dumalo rin ang mga kaibigan ni Kuya Jay na sina Doc Jhun, D.Y., Leo Dela Cruz, at ang member ng GMA-7 Master Showman Teenstar na si Casey Martinez, kasama ang mga kaibigan nitong sina Chamaine , Rennie, Rhon at Don .
In full force naman ang pamilya ni Kuya Jay mula sa kanyang mga kapatid na sina Malou Cruz, Rene delos Reyes, Leth Ventura, Anna Ronio at Randy Malonzo. Nais daw pasalamatan ni Kuya Jay ang mga taong tumulong para maging matagumpay ang kanyang birthday celebration na sina Randy Malonzo, Bong, Matt, Cong. Jon Jon Mendoza, Cong. Linabelle Ruth Villarica, Mayor Joan Alarilla, Vice-Mayor Jojo Manzano, SB Members of Meycauayan, city employees ng Meycauayan, Aliw Complex Family headed By Edward Cabangon and Ma’am Ten Ten.
John’s Point
by John Fontanilla