OVERBOARD NA ang ginagawang comparison ng ilang mga kasamahan sa panulat between brides-to-be Heart Evangelista at ng isang aktres, this time, the height (and the depth) of it borders on the “personal” as far as their future better halves are concerned.
‘Di hamak daw na mas guwapo si Dingdong Dantes kumpara kay Senator Chiz Escudero, pero paguhugas-kamay like Pontius Pilate ng sumulat, mas nakaaangat naman daw ang mambabatas in terms of wealth, fame and title.
Oo na, Heart and the actress are like wild, deadly spiders on a stick na pilit pinagsasabong, but must this fight between two beautiful arachnids involve their respective partners? OA na. We all know the uniqueness of Chiz and Dingdong, na hindi na kailangan pang sahugan ng intriga just because their would-be spouses are like India and Pakistan.
Sa totoo lang, both marrying couples are lucky enough to be offered this early—we guess—ng exclusive coverage ng kani-kanilang mga kasal sa 2015. Kung tutuusin, bawi na’y tubo pa ang dalawang pares na ito mula sa kanilang mga gastos sa TV rights.
PROVINCIAL POLITICS particularly in Mindanao is abuzz with talks that a “Duterte for President” movement is gaining strong support.
Samantala, inihayag naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang balak niyang pagtakbo sa nasabi ring puwesto na ipinagkait sa kanya when she ran in 1992.
A recent Facebook post, minus any justification behind the partnership, has brilliantly come up with a Santiago-Duterte tandem para sa pagka-Pangulo at Bise Presidente, respectively. If ever, Miriam and Rodrigo are to Jojo and Jinggoy, lalo’t the latter face separate cases of corruption.
Santiago-Duterte tandem in 2016, why not? Kilalang kaaway ng mga kurakot si Santiago, even fearlessly lashing at her peers at the Senate, while Davao City Mayor Duterte is any drug pusher’s worst nightmare, at least, sa kanyang nasasakupan.
Ang mga problema ng pandarambong at droga sa bansa are like siblings born to a common mother. Freeing a felon involved in drugs gives anyone the impression that the corruption in certain law enforcement agencies coddled by several high-ranking officials in the government is real.
Sana ikunsidera ng mga supporter ni Mayor Duterte na isantabi muna ang kanilang presidential dream for the feisty gentleman, and dance the political tango with a woman with an equally resolute and tenacious character.
SINA ZARAH Evangelista at Osang Dela Rosa, team Travel Buddies mula Davao, ang unang natanggal sa karera ng The Amazing Race Philippines 2 (TARP 2) sa TV5.
Bago sila tuluyang magpaalam, ikinuwento nina Zarah at Osang kung paanong bago ang karera, pupunta sana silang Libya. But they felt they were destined to be part of TARP 2.
In fairness though, marami silang natutunan, tulad ng pagiging focused on any challenge while preparing for the worst to happen. Matapos matanggal sa karera, itutuloy nila ang kanilang pangarap na maging ganap na mga plus-sized models.
Samantala, tuloy ang action-packed adventure at real-life drama ngayong lingo with the remaining 10 pairs who will go even more physically demanding hurdles.
KADALASAN, WE make mountains out of molehills dahil sa maling akala o sa maling balita, and we end up feeling sorry.
Ito ang mensahe sa episode this Sunday ng Ismol Family. Dahil nasa Canada pa rin si Jingo, naging close sina Majay at si Bernie na ikinaseselos naman ni Natalia. As a real, nakarating kay Jingo na nagtataksil ang kanyang asawa.
Ginatungan pa ito ng kanyang gay roommate na si Ernie, na lalong ikinapraning ni Jingo.
Siyempre, hindi rin papahuli ang bagong love team nina Mama A at Efren with Lance bilang ka-triangle.
Ano ang mangyayari kay Jingo, will he return to the country? At sino ang pipiliin ni Mama A between her two men? Abangan ang Ismol Family this Sunday, 6:45 pm.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III