Paglalakbay ni Fr. Ben

SA EDAD 79, nakaratay sa malubhang banig ng karam-daman si Fr. Ben Villote, S.J.  Biktima ng Alzheimer’s disease. ‘Di siya ordinaryong alagad ng Diyos. Sa loob ng 60 taong paglilingkod, ‘di matatawaran kanyang ambag sa pagpapalawak ng pananampalataya at pagtulong at pagmamalasakit sa kapakanan ng mahirap. ‘Di siya maituturing na “white collar” o “armchair” na pari, kuntento lang sa pagmimisa o pagsama sa mga pilgrimages kagaya ng karamihan.

Si Fr. Ben ay tinahak ang makipot na landas ng pag-lilingkod, nakisalimuha at naki-isang buhay sa komunidad ng api at mahihirap at ipinadama sa kanila ang init at walang kamatayang pag-ibig ni Hesus. Ito ang pinagkaiba niya sa maraming kasapi ng kapariang Katoliko. Pinanganak si Fr. Ben sa Mary Johnston Hospital, Tondo. Bata pa’y masasakitin na siya. Nagsimula siya ng priestly vocation sa St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo. Sumunod niyang assignments ay sa Mexico, San Fernando, Sta. Rita at Guagua, Pampanga nu’ng panahon ng giyera. Pagkatapos ay sa San Jose Seminary.

Naglingkod din siya sa San Felipe Neri Parish, Mandaluyong at sa Chapel of Holy Sacrifice, UP Diliman Campus.  Pinakahuling parokya ay San Juan Bautista sa Tipas, Rizal. Kasama ang kanyang mga parishioners, nagpatayo siya ng Dambang Kawayan (Bamboo Altar) na kinilala ‘di lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Extreme pains ang dinaranas ngayon ni Fr. Ben. Mga ito, buong tapang at pananalig niyang tinitiis at iniha-handog sa puso ng mahal na Hesus.

Diyos lamang nakakaalam kung kailan matatapos ang kanyang mahabang paglalakbay. Naging napakamakabuluhan at hitik ng ginintuang paglilingkod sa Diyos at kapwa ang kanyang naging paglalakbay. Ang kaharian at korona, sa kanya naghihintay.

SAMUT-SAMOT

PAGKATAPOS NG KANYANG termino sa 2013, babalik sa pribadong negosyo si Sen. Manuel Villar. Balita, ta-takbo sa Senado ang kanyang maybahay, Cynthia. Sa sitwasyon natin ngayon, ‘di iilan nanghihinayang na ‘di si Villar ang naihalal na pangulo. Ayon sa kanila, proven na liderato at tagumpay ni Villar sa business. Success story – at very inspiring ang buhay niya. Alam niya kung papaano naging mahirap. Masasabi ba ‘to kay P-Noy. Hala, nagpadala kasi kayo sa Cory magic.

WALANG KUWESTIYON, KOLUM ni Manong Ernie Maceda sa isang major broadsheet  ang pinaka widely-read at hard-hitting ngayon. At dapat naman. Full of incisive analysis on burning issues at expose on government shenanigans. Sa edad 78, si Manong ay malakas at malusog pa. Sa palagay ko, karapat-dapat ang isa pang termino sa Senado.

MGA KATULAD NI Senador Trillanes ay ‘di na dapat ibalik sa Senado. Sabi ng marami, walang tinatawag na ROI sa pinapasuweldo ng publiko. Gaya rin ni Sen. Lapid. Sa loob ng 12 taon, isang bill pa lang ang naisagawang batas. Ilang milyong taxpayer’s money ang naipasuweldo sa kanya?

REKLAMO TAYO NANG reklamo sa uri ng maraming mambabatas. Subalit halal naman tayo ng halal ng mga pulitikong batugan, walang utak at ganid sa pangungurakot.

Political dynasties buwagin na. Lolo, ama, anak, apo parang epoxy sa puwesto sa maraming siyudad at lalawigan.  Pulitika naging cottage industry. Papaano tayo susulong? Mga kapit-tuko!

KURYENTE ANG BALITANG paghihiwalay ni Raymart Santiago at Claudine Barretto. Ang mundo ng showbiz ay talagang ganyan. Subalit ‘di iilan ang pumansin na balita ay gimik lang para mabuhay ang naghihingalong showbiz life ng dalawa.  Posible. Wala nang paghuhugutan pa ng comeback ang mag-asawa. Si Claudine ay may edad na, wala nang asim kumpara sa maraming batang showbiz personalities.

PINAAABOT NAMIN ANG aming taus-pusong pana-langin sa madaling paggaling ng aming kaibigang Business Editor ng Star, si Tony Katigbak. Si Tony ay isang haligi ng Philippine journalism. Mabait at matulungin. Nag-suffer siya ng brain clot at balita ay matagumpay ang nagawang operasyon sa kanya. Sana’y tuluy-tuloy na ang kanyang pagdating.

SA DISYEMBRE 3 pasisinayaan ang bagong bukas na Sulo Rivera sa Quezon City. Pag-aari ito ng dating Ambassador Felimon Cuevas, isa nating matalik na kaibigan. Very inspiring ang rags-to-riches story ng ambassador. Ngayon, maihahanay na siya sa mga self-made billionaires. Sa edad 80, tuloy kayod pa rin siya. Nakakatulong siya at ang kanyang mga negosyo sa employment ng bansa. Mabuhay ka Ambassador Cuevas!

NAKARIRIMARIM ANG MUKHA at ismid ni Ma. Elene Bautista-Horn, spokesman ng dating Pangulong GMA. Ewan kung bakit maraming antipatiko sa kanya tuwing lalabas sa TV. Isa na ako sa maraming ito. ‘Di malalim mag-isip at palaban ang dating. Hoy, wala na kayo sa poder!

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articlePolitical asylum; at ang lesson ni Pacman
Next articleAbusadong pre-need company

No posts to display