MADAMI ang natuwa sa paglipat ni Regine Velasquez from GMA Kapuso Network sa kampo ng ABS-CBN Kapamilya Network.
Madami ang nagsasabi na-O.A. (Over Acting) ang paglipat ng biritera-sigawera sa kanyang bagong mother studio.
Pero sa ganang akin, lumipat man siya, Regine Velasquez ay tatak Kapuso pa rin siya at hindi yun magbabago unless gagawa siya ng kakaiba na ikakagulat ko at ng publiko.
Pero si Manay Lolit Solis may ibang pananaw sa paglipat ng mang-aawit na ipinost niya sa kanyang Instagram Account (@akoslilitsolis):
Panimula niya: “Regine Velasquez overload naman ang mga balita. Para bang pinakamalaki nang pangyayari sa showbiz ang naganap na paglipat to the point na kung anu-ano pa ang napag-uusapan. Sobra naman iyon nasabi na hindi kilala ang TV show ni Regine nang banggitin niya sa isang concert at ang kilala lang ay ang Ang Probinsiyano ni Coco Martin.
“Iyon para bang wala nanonood sa istasyon. Tanggap ng lahat na malakas at number one ang ’Ang Probinsiyano’ pero kahit si Coco Martin naman naniniwala din na may nanonood sa Victor Magtanggol ni Alden Richards.
“Huwag na kasing pahabain pa ‘o kung anu-ano pang isyu ang buksan sa paglipat ni Regine, iyon lang iyon lumipat, gustong tikman ang kabilang istasyon, period. Kahit pa siguro lumipat lahat ng artista ng GMA 7 hindi babagsak o mawawala ang istasyon. Maaapektuhan sa una, pero tatayo at tatayo pa rin.
“Ganun din Channel 2, lumipat man lahat ng artista nila, iyon pa rin, Channel 2 pa rin sila. Pader na pareho iyan, mahirap gibain, ikot-ikot lang tapos babalik din kung tatanggapin pa. Di lang naman si Regine ang lumipat marami din artista ng 2 lumipat sa 7 at no big deal. Suwerte nga iyon mga lumipat na tinanggap, malas mo pag gusto mong lumipat, hindi ka tanggapin.
“Kung masaya si Regine sa 2, let it be, masaya din ang 7 na masaya siya at tutal naman 20 years na siya na naging talent ng 7 siguro naman ‘di siya tatagal ng gann katagal kung di siya inalagaang mabuti. Hindi hihinto ang GMA 7 dahil lumipat lang si Regine o kahit sinong artista. GMA 7 pa rin iyan with or without Regine Velasquez. At Chanel 2 pa rin iyan, kahit may Regine. Tuloy ang buhay, walang nabago,” pagwawaka ni Ate Lolit.
Maging ang mga netizens ay may sarili nilang opinion sa paglipat ni Regine.
Say ni @dex.bautista03: “ @reginevalcasid malamang nabasa mo to.. wag nang maraming hanash.. kung gusto mo jan, eh di lumipat ka.. nakaka disappoint na sa yo pa manggagaling na bina-bad mouth mo ang mga shows ng GMA.. bakit.. ang Mulawin VS Ravena mo ba nag rate?
“Umayos ka teh… wala kang narinig na masama sa GMA nung lumayas ka
sa puder nila. Wala kang pinagkaiba kay Mystica!“
May ibang pananaw naman si @coziamrandom :” “The tahimik audience pertained to her audience sa concert niya sa States. And it’s no brainer that GMA reporter was not invited to do the presscon coz it’s Regine’s transference to ABS… ang awkward naman ata kung andun si Lhar Santiago to interview Regine about her transfer. Lels.”
Ayon kay @gracie_duchess: “ Minsan kasi OA din yon mga artista pag lumipat sa ibang network ang dami nilang drama. Wala na man permanente sa klase ng trabajo nila. Appreciate sana nila at nabigyan sila ng chance ng dati nila network.”
Ang pananaman naman ni @janesumptious: “Manay nothing’s new kung lumipat man sya… Besides it’s all about money ..! Yan ang totoo hindi yang pa arte na gustong makatrabaho ‘o makasama ang isang artist kaya lumipat… Maganda pang straight to the point hindi sya happy sa station at malaki offer… It’s all about money!”
Sinulat sa IG ni @anj032181l: “Lodi lolit solis napaka-prangka mo ay totoo lang sinasbi nyo dpat wag na lng mag-salita against sa ibang mga kabilang panig. Walang comparison pareho naman mlakas ang dalawang estacion.”
Reaksyon naman ni @mbcabalo: “Ganun poh tlga nay @akosilolitsolis palalakihin nila ang isyu na parang hindi daw kilala ang TV show nya sa ibang bansa.. Hello kahit Saang bansa may mga pinoy noh at hindi lahat ng taga-ibang bansa na pinoy e ABS ang gusto. Para pagusapan si songbird at sympre para malakas ang impact kuno. Wala naman kc ibang ma-isyu ang kabila eh.. Sa pagaalaga palang ng GMA kay songbird kahit tumaba ‘o pumayat at kahit ano pa naging aura niya laging may shows sya.. Hehehe Hello!!!! 2018 na noh hindi man ganun ka sikat ang shows nya sa ibang bansa pero impossible namang walang nakakaalam ang lakas ng social media ang Twitter na nagttrend ang mga shows nya worlwide kht papaano.. Jusko kaya nga sya tinawag na #ASIA’S SONGBIRD
Ang opinyon ni @ charitesgonzales: “Tama ka nay walang personalan trabaho lang talaga….if the price is right why not? Gratitude can buy money one way or another thats the facts if only some of us has the balls or guts to admit it ! They are just good to hide hypocrisy anywhere hehehe bottom all the money in the world goes by being more fame and wealth Career so for 10million who wouldn’t?
Ang personal ko naman na opinyon sa pag-welcome kay Regine ay OA at super hype.
Wala bang bago sa birit, sigaw at tili niya para maging interesting sa paningin ko si Regine. Yes, she’s talented. Hindi isyu yun. Period.
Hintayin pa ba niya na malaos, pumiyok at malosyang siya? Iilan lang talaga ang mga Pinoy talents ang kinikilala sa buong mundo at alam nyo na isa lang ang Lea Salonga.
Sa totoo lang ay nauuyam na ako sa kanya. May bago na mas magaling sa kanya na si Morrisette Amon na ina-acknowledge niya. She’s world class.
Suggestion ko, sana mag-guest din siya sa Ang Probinsiyano as the singing street karinderia chef na kinidnap sa istorya na ililigtas ng grupo ni Coco.
Kaya nga iba pa rin talaga ang imaging at packaging ng mga Streisand, Warwick, Dion at mga liga nila.
What do u think people of the Philippines para for a change para maiba? Ha ha ha…
Reyted K
By RK Villacorta