NAGLABAS ng panghihinayang at lungkot si Angel Locsin sa kanyang Instagram account tungkol sa sinapit ng kanyang home TV network (ABS-CBN) na pormal nang ipinasara ng Kongreso noong July 10 dahil sa 70-11 votes.
“It took a while before I was able to compose myself and feel how I actually felt about the situation. Alam ko I am sad, alam ko i am angry. Pero may pakiramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling nung simula. Ngayon po na-realize ko kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyon na ito,” simulang pahayag ni Angel.
Patuloy ng akres, “Ito na sana ang chance para maayos ng ating gobyerno ang entertainment industry.
“I was genuinely hoping that we could turn this into an opportunity to fix the industry’s issues. Hindi lang po sa ABS-CBN, kundi ang kabuohan. Though, to be honest, malaki na po ang improvement kumpara nung nagsisimula palang po ako. Katulad ng working hours, contracts, etc.
“Pero aminado po ako na marami pa rin pong bagay sa entertainment industry ang kailangan pang ayusin, gaya ng ibang nirereklamo ng ibang laborers.”
Ayon pa kay Angel malaking dagok sa entertainment industry ang nangyari dahil sa dami ng mga mawawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
“But those 70 congressmen chose to shutdown the network instead of standing up for the people and fix those problems.
“What’s the purpose of those testimonies from laborers fighting for their rights kung dito lang magtatapos? Hindi rin naman sila natulungan. Pinagsalita lang pero iniwan lang rin sa ere. In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions.
“Kumbaga sa health, may sakit po ang entertainment industry. At nalagay ang ating mga kongresista sa sitwasyon na gabayan at ayusin sana. But sadly, the congress chose a rigid path, pulled the plug and ignored the plea of the entertainment people. They chose the easy way out instead of curing the disease.
“Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan? Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?
“Kaya ako lumalaban, kahit mahirap at tagilid, kailangan ng mga kasama ko ang karamay ngayon, higit kailan man. Naniniwala akong hindi mawawalan ng saysay ang lahat…dahil tatatak ito sa kasaysayan and we, the Filipino people will never forget.”