Pagpapaseksi ni Jamilla Obispo on screen tanggap ng teenager na anak

Leo Bukas

SA PROMOTIONAL photo ng Viva para sa Vivamax original series na Huwag Mong Agawin Ang Akin ay hndi halatang may 17-year-ld son na si Jamilla Obispo na ka-batch nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa unang edition ng Pinoy Big Brother Teen ng ABS-CBN.

Na-maintain kasi ni Jamilla na 35 years old na ngayon ang kanyang ganda at kaseksihan.

Jamilla Obispo

Pero ano ba ang pakiramdam na after ng kanyang PBB journey ay ngayon lang siya nagkakaroon ng magagandang break sa pelikula? Kung hindi pa dahil sa Vvamax ay hindi niya mae-experience ang bumida sa pelikula.

“Siyempre po sobrang saya ko po.  I feel grateful  kasi sobrang tagal ko na rin kasi sa showbiz and finally kahit papaano nagbubunga  naman siya. Kumbaga, totoo nga yung sinasabi nila na lahat may timing, maghihintay ka lang kung para sa yo talaga. Ayun po, naghintay lang at eto na,” masayang pahayag ng sexy mom sa interbyu namin.

Inamin din ni Jamila na maraming beses na niyang gustong talikuran ang showbiz dahil wala naman daw nangyayari sa kanyang career.

Aniya,  “Naku, maraming beses na po talaga na gusto kong mag-quit.  Maraming beses na ako na parang … Siyempre, parang nagkakaroon ka na ng… Nagiging hopeless ka na.

“Minsan wala kang project. Tapos yon nga nalulungkot ka kasi yung iba may mga projects sila. Dumating din ako sa time na kinuwestyon ko yung sarili ko na,  ‘Bakit ganun, bakit ako wala?  So parang kapit lang, laban lang, intay ka lang kung para sa yo talaga.”

Eh, ano naman ang reaksyon ng kanyang 17-yearold son sa pagpapaseksi niya sa pelikula at dito sa bago niyang series na Huwag Mong Agawin Ang Akin?

“Actually, hindi namin napag-uusapan yan ng 17 years old ko na anak na lalaki. But niintindihan naman niya yung trabaho ko,” pahayag ni  Jamilla.

Jamilla Obispo

“Kumbaga, I’m a single mom and parang let’s face the reality na kailangan kong mag-work. Kasi ako lahat, eh. Kay nga sakto rin sa akin ‘tong project na ito kasi talagang nakaka-relate talaga ako don sa karakter ko.

“Thankful ako kasi napalaki ko yung anak ko na naiintindihan niya yung trabaho ko. Alam niya na ano lang, work lang at professional naman ako na I’m not doing anything wrong naman,” dagdag pa niya.

Samantala, kasama ni Jamilla sa Huwag Mong Agawin Ang Akin na idinirek ni Mac Alejandre at mapapanood sa July 31 sina  Angeli Khang,  Felix Roco, Ahron Villaflor, Angelica Cervantes at marami pang iba.

Previous articleDating ‘Ang Probinsyano’ star na si Stacey Gabriel sasabak sa 2022 Binibining Pilipinas pageant
Next articleVLOG WATCH: Jojowain a Trotropahin with Ruru Madrid and Buboy Villar (OMG!)

No posts to display