Pagpapautang ng Pilipinas, Dapat Nga Kaya?

KABALIWAN DIUMANO ang pagpapahiram ng gobyerno sa European countries ng isang bilyong dolyar sa pamamagitan ng IMF (International Monetary Fund). Napakaraming higit na nanga-ngailangan ng pondo katulad ng sa edukasyon, agrikultura at mga insprastraktura sa bansa na dapat unahin ng gobyernong Aquino at dapat lamang na dumaan diumano ito sa Kamara bago dinesisyunan.

Ayon kay Representative Teddy Casiño, mas higit na makikinabang ang 700,000 small medium enterprises kung gagamitin ito sa pagpapaunlad ng negosyo sa ating bansa. Gayon man, ayon sa pahayag ng ating gobyerno, nais ng ating bansa ang tumulong sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa dating mauunlad na bansa na ngayon ay nakararanas ng ibayong krisis katulad ng mga bansa Europa. Dagdag pa nito isa itong praktis upang tayo ay makinabang at upang kilalanin tayo ng IMF bilang mahusay na miyembro nito.

Bagama’t marami ang tumututol, marami rin naman ang nakararamdam na proud sila sa kanilang mga sarili bilang Pinoy. Samakatuwid, hindi na tayo ang basta-basta ang may utang kundi tayo na ang nagpapautang. Wow, a wanna be a billionaire, ang dating mahirap na si Juan ay milyunaryo na.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Bangko Sentral, anumang oras, maari natin itong bawiin. Eh, bakit naman natin babawiin pa kaagad? Hayaan kaya nating uminit ito at para rin makatulong tayo sa naghihikahos na mga bansa, kung hindi rin natin gagawin baka mag karooon din ng global meltdown. Sa dulo nito, may domino effect ito, maging tayo ay apektado.

Ang bawat miyembro ng IMF, kasama ang Pilipinas ay nakasaad ayon sa aking research na, gagamitin lamang ang pondo nito kapag may mga krisis na umaapekto sa mga miyembrong bansa nito or if ‘di kaya ito ay developing country pa lang at kailangan nito ng financial aid. Ang 78 bilyon dolyares nating pondo sa IMF ay hindi rin dapat basta-basta galawin sa mga proyektong gobyerno dahil iba ang purpose nito, ito ay emergency fund. Gayon din naman ay dapat na unti-unti rin nating maisaayos ang ating mga naghihirap na mga mamamayan upang hindi lumalabas na pa-pogi points lang ang habol ng ating kasalukuyang namamahala sa gobyernong Aquino.

MGA YAMANG DAGAT DAPAT NG PAG-ARALAN AT PAHALAGAHAN

 

DAPAT NA maging marunong na ang tao sa buong daigdig na maaaring sa loob ng 10 hangang 20 taon, maaaring manganib na ang mga pangkomersyal na isda sa karagatan sa lumolobong pa-ngangailangan o konsumo ng tao at sa lumalaking populasyon. Hindi na kayang suplayan ng mga karagatan ang pangangailangan ng tao sa pagkunsumo ng isda. Mawawala tayo sa balanse kung magpapatuloy ito, gayon din ang ating cycle ng ecosystem.

Siguro para sa akin, mga 10% lang ang dapat makunsumo natin muna sa loob ng 10-20 years. Sa pamamagitan nito ay muling dadami ang mga isda sa dagat. Mabuti pa ang mga produkto ng lupa, nagagawa na nating paramihin upang magtanim ayon sa hinihingi nating kunsumo ng tao.

Dapat din lamang na magpahinga ang tao ang pagha-harvest sa karagatan kaysa sa isang araw, magulat na lamang tayo na ang mga biyaya ng dagat ay tuluyan nang mapinsala at mawala. Kung bawat bansa ay ay pag-aaralan ito at ng ibang concern groups at individuals, malamang maabutan pa itong mga produktong dagat ng darating na kinabukasan at ng mga magiging mga anak pa natin. Alalahanin nating nasa kamay na ng tao ang pamamahala sa daigdig.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia

For comments and suggestions: e-mail [email protected]; cp 09391457621

ni Maestro Orobia.

Previous articleParazzipat
Next articleJackie Rice does the ‘Inom-tago’

No posts to display