NOONG LINGGO AY ginanap ang mall show ng cast ng Tayong Dalawa sa SM City North EDSA Skydome kung saan literal na libo-libong fans nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca ang sumugod sa naturang event center para masilayan ang kanilang mga idolo. Sa nalalapit na pagtatapos ng naturang teleserye, minabuti ng cast at staff ng show na magpasalamat sa mga televiewers at mga fans na walang tigil ang suporta sa kanila at consistent na mataas na ratings kahit ilang buwan pa itong na-extend.
Nakatsika namin ang ilan sa mga tauhang namamahala sa pagpapasok ng mga tao sa Skydome. Kahit puno na ang venue ay may nakapila pa raw sa labas at hanggang sa mga baba na daw ang dulo ng mga tao. Naubos na nga daw ang mga Star Studio magazine na binebenta nila noong araw na ‘yon. Pati raw ang DVD at VCD ng Tayong Dalawa ay limas na rin. Umabot pa sa puntong tumawag na ang Bureau of Fire Protection sa namamahala ng mall show na ihinto na ang pagpasok ng mga tao dahil sobrang siksikan na sa loob. Baka daw kasi mag-over load ang mga tao sa loob at magkaloko-loko na pag nagkadisgrasya. Buti na lang din at maagap magdesisyon ang mga taga-BIFP at naisip nilang kontrolin ang crowd at hindi nagpadala sa kikitain at maibebenta. Very good sila diyan! Talagang OA daw ang dami ng tao. Kaya naman, request nilang magkaroon pa daw sana ng iba pang mga mall shows para mapagbigyan naman daw ‘yung mga fans na hindi nakapasok sa venue.
Mall Tour ng In My Life, jampacked rin
KA-BACK-TO-BACK naman ng Tayong Dalawa mall show ang In My Life mall tour nila Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Sa foodcourt sila nag-show at jampacked din ito. Todo ang hiyawan ng fans nang lumabas si Luis. Nakipag-aktingan pa si Luis sa mga contestants kaya enjoy na enjoy talaga ang lahat. Halos magiba ang foodcourt nang lumabas si John Lloyd. Naloka ang lahat dahil game na game itong makipagkamay, makipagkawayan at maki-chika.
Ang inyong lingkod ang halos nag-host ng lahat ng mallshows ng In My Life sa iba’t ibang lugar at habang papalapit nang papalapit ang showing date nila, na-e-excite na rin sina John Lloyd at Luis.
At eto pa ang nakakaloka. Maaga pa lang napakarami na raw tao sa SM City Batangas kung saan ginanap ang unang premiere night ng pelikulang In My Life na bida ang governor ng naturang probinsya – si Gov. Vilma Santos. Kaya sa premiere night bukas, dahil dalawang malls ang kanilang premiere night, binigyan na raw ng hagad ang mga artista para mabilis na makapunta mula Trinoma papuntang Megamall.
Kita kits tayo sa Trinoma bukas, 4 p.m., at ang inyong lingkod po ang mag-hohost ng Red Carpet Premiere Night doon kasama ang kaibigan nating si Jobert Sucaldito. Kaya go na kayo doon at maaga pa lang, e, pumuwesto na kayo dahil bubuhos at dadagsa ang mga artista doon na tiyak na ikakatuwa ninyo! 7 p.m. naman ang simula ng Red Carpet show sa SM Megamall.
Kita kits ha!