Pagsasaayos ng Entry sa Birth Certificate

Dear Atty. Acosta,

MAYROON PO sana akong ihihingi sa inyo ng payo tungkol sa Birth Certificate? Kumuha po ako ng aking Birth Certificate sa NSO at nakalagay po sa GENDER ko ay Female pero ako po ay isang lalaki. Dahil dito ako ay nagtanong sa PAO dito sa Pasig at ang sabi po sa akin ay kai-

langan ko raw pong asikasuhin ito kung saan ako ipinanganak. Totoo po ba iyon? Hindi po ba maaaring dito ko na lang gawin iyon sa Manila? Kasi po nandito ang aking trabaho. Anu-ano po ba ang mga kakailanganin kong papeles para rito? Nalaman ko rin na ito ay sadyang magastos, totoo po ba rin iyon?

Ron

 

Dear Ron,

ANG PAGPAPAAYOS ng iyong Birth Certificate para ang iyong kasarian ay maitama mula sa “Female” at gagawing “Male” ay nangangailangan ng pagdinig sa korte. Kakailanganin mong maghain ng petisyon sa City or Municipal Civil Registrar korte ng lugar kung saan nakarehistro ang iyong kapanganakan sang-ayon sa Republic Act No. 10172 (AN ACT FURTHER AUTHORIZING THE CITY OR MUNICIPAL CIVIL REGISTRAR OR THE CONSUL GENERAL TO CORRECT CLERICAL OR TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THE DAY AND MONTH IN THE DATE OF BIRTH OR SEX OF A PERSON APPEARING IN THE CIVIL REGISTER WITHOUT NEED OF A JUDICIAL ORDER, AMENDING FOR THIS PURPOSE REPUBLIC ACT NUMBERED NINETY FORTY-EIGHT).

Kung ikaw ay ipinanganak sa probinsiya at doon din ito nakarehistro, sang-ayon sa nasabing batas, ang petisyon ay doon mo dapat ihain. Kung kaya, kahit ikaw ay nani-nirahan at nagtatrabaho na sa Manila, kailangan mo pa ring umuwi sa probinsiyang iyon upang magawa mo ang pagpapasaayos ng iyong Birth Certificate.

Upang maging mabilis ang proceso, ang petisyon mo ay dapat suportado ng mga ebidensiya tulad ng Medical Certificate na ginawad ng isang lisenyadong doktor na sumuri sa iyong kasarian, mga dokumentong tumutukoy sa iyong kasarian, affidavit ng iyong mga magulang, asawa kung meron man, kamag-anak o kaibigan at iba pang ebidensiya na nagsasabi ng iyong kasarian. Sang-ayon din sa Republic Act 10172:

“The petition shall be supported with the following documents:

(1) A certified true machine copy of the certificate or of the page of the registry book containing the entry or entries sought to be corrected or changed;

(2) At least two (2) public or private documents showing the correct entry or entries upon which the correction or change shall be based; and

(3) Other documents which the petitioner or the city or municipal civil registrar or the consul general may consider relevant and necessary for the approval of the petition.”

Kaugnay naman sa iyong katanungan kung may legal fees ang gagawin mong pagsasaayos ng iyong Birth Certificate, maaring magsagawa ng implementing rules ang mga agencies na nakasasakop sa Office of the Civil registrar tungkol dito o kaya ay maki-pag-ugnayan kayo sa kanilang tanggapan.

Nawa ay naliwanagan ka sa opinyong ito.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleGintong Butil (I)
Next articleDalawang Opisyal ng PNP, Godfather ng ‘Paihi’ Mafia Atbp.!

No posts to display