Pagsilang sa Ilalim ng Tulay

MAY KASABIHAN na kung saan ka isinilang ay naroon ang iyong paniniwala at kasanayan sa pamumuhay. Hango rito ang  kuwento ng isang indie film na inilunsad ng Cinema One at dinirek naman ni Earl Bontuyan, ang Sa Ilalim ng Tulay.

Sa kasamaang palad na dulot ng nag-aalburutong pagputok ng Mt. Pinatubo, napilitang lumikas ang mga Aeta, sila ay nagtungong Maynila kasama ang pamilya ng ating mga bida. Ginampanan ito nina Remi Tolentino bilang Loretta at  Bong Cabrera bilang Nono, at ang kanilang anak na si Kulaw. Si Budak naman na pinsan ni Nono na siyang naging giya upang sila ay pumunta ng Maynila dahil sa mga kuwentong nakakaakit na naririnig nila sa lungsod.

Nasasalamin sa ating lipunan ang pagkalat ng mga Aeta. Sila ay makikita sa kung saan-saan: sa mga lansa-ngan, sa tabi ng mga riles at minsang makikitang nanlilimos sa mga dyipni ang mga nanay na Aeta habang may kalong na bata. Sila ay kabilang sa cultural minorities na dapat ay mabigyan ng atensyon at ma-educate ng ating pamahalaan. Sila ay ‘di kaila na mga Pilipino rin ka-tulad natin.

PAHAYAG NI BONG CABRERA

Ayon kay Bong Cabrera, nakakuha siya ng permission-grant from Grand Council pa-punta sa New York on acting. Pero ang tatas mo mag-Tagalog? So it is a challenge? “‘Yung Aeta, tapos ako ay hindi Aeta. Pero magkasama kami sa film. Sa kuwento ay wife ko talaga siya. As in mag-asawa.”

Ah, naglalagay ka rin ng pampaitim? “Nagpaitim ako, nag-swimming ako for two months, nagpa-kingky ng buhok.”

Wow, huh! May kissing ba kayo? “Wala, not allowed sa Aeta.”

PAHAYAG NAMAN NI REMI TOLENTINO

Ano, puro ka talagang Aeta? “Ah, opo. Aeta talaga ako. Ah, ‘yung director, naghanap talaga siya ng Aeta. Nagpunta siya sa ibang tribe. And then nagpunta siya sa Clark, naghanap doon ng Aeta.”

Ano ang nararamdaman mo na isa kang true-Aeta na naging artista ka sa project film na ito? “Syempre po, masayang-masaya.”

Ano ang sabi ng… ‘yung mga katribu mo? “Tuwang tuwa sila sa akin dahil mayroong Aeta na makakasali sa project film.”

USAPING NATIONAL ARTIST

Whoah! Umaali-ngawngaw ang mga balita na si Nora Aunor ay dapat nang maging National Artist. Bagay naman kay Nora at talagang magaling siya sa acting at ‘di siya matatawaran. Nakilala siya sa kanyang kuwento bilang isang anak-mahirap na naglalako lamang ng bote ng tubig sa tren sa Bicol, sa Daraga, Albay. Bago rin siya naging sikat na actress, nakilala siya bilang isang batang-batang mang-aawit na pride ng Bicolandia, at lately tinaguriang “Superstar” sa Maynila. Ang sino mang ‘di makakikilala kay Nora Aunor ay matangos nang sobra ang ilong at baliktad ang kilay, hahaha! Pero ito, sa ‘kin, bago maging National Artist itong si Nora Aunor ay dapat na unahin natin ang Comedy King na si Dolphy.

Pinapangarap ko na maka-one-on-one si Nora, kaya lang tila ayon daw sa staff ng TV5, imposible itong ma-interview ko. Nak’s bilib ako sa TV5. Alam kaya ito ni Percy Intalan? Ganu’n ba kaingat ito kay Nora Aunor, mahirap ba siyang maabot? Tingin ko naman ay hindi. May halaga rin kaya sa kanila ang katulad kong press na walang ginagawa kundi tulungan ang makaartistikong sining. Titiyakin ko sa inyo na tama lamang ako, lalo pagdating sa seniority ay si Dolphy muna, tapos isunod si Nora Aunor kaya? Si Comedy King Dolphy, inanyayahan pa ako sa mansion niya at talagang bihis na bihis at talagang pinaghandaan at para makausap ko siya nang one-on-one. Si Nora ay kababayan ko siya, pero mahirap makausap or ang staff ng TV5.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions contact cp# 09301457621 or email: [email protected]

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleHeart Evangelista in a hurry
Next articleWilma Doesn’t does the Covergirl

No posts to display