PABALIK-BALIK NA po kami sa abroad. At ngayong may mga edad na kami, siguro’y mamamalagi na lang kami sa ating bayan. Pero ‘eto po ang pangkaraniwang tanong ng mga nagbabalik sa bansa natin: Ano naman ang gagawin namin dito para naman makapag-contribute naman kami sa ‘Pinas? Sayang naman ang mga natutunan namin sa ibang bansa kung hindi ito mapapakinabangan ng ating bayan. May ahensiya po ba ng gobyerno na nag-aaral tungkol sa bagay na ito? — Bernie mula sa Middle East
MERONG AHENSIYA ng gobyerno na nakatutok sa pagsalo sa mga OFW na tulad n’yo at nag-aaral kung paano naman magagamit ang inyong mga kasanayan para sa ekonomiya ng ating bansa. Nag-aaral din ito kung paano pa kayo mas matutulungan.
Sa ilalim na RA8042, itinatag sa ilalim ng DOLE ang Re-Placement and Monitoring (RPM) Center para sa mga balikbayan para mapabilis ang kanilang muling pagsanib sa lipunan at ang pagsali nila sa puwersa ng paggawa. Narito ang mga serbisyo nito:
- Tulungan ang mga balikbayan sa kanilang programang pangkabuhayan sa pakikipag-ugnayan sa pribadong sector;
- Pakikipag-ugnayan sa pampubliko at pribadong sektor para ma-absorb ang kanilang mga kasanayan para sa kagalingan ng ekonomiya ng bansa;
- Sa pamamagitan ng mga computer, magtatala ito ng mga pangalan at kasanayan ng mga OFW at ito’y maaaring tunghayan ng mga recruitment agencies;
- Magsagawa ng mga pagsasanay at pag-aaral batay sa mga pangangailangan ng mga balikbayan.
Kalahok sa Center na ito ang POEA, OWWA, BLE at TESDA.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo