ANO NGA ba ang epekto ng nakagawiang Halloween tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay? Habang tumatagal, kapansin-pansing ang paganong selebrasyong ito ay patuloy na tinatangkilik ng sinuman, kaya maging ang simbahan ay tumututol dito, kung ang magiging basihan natin ay ang mga Kristiyanong pamamaraan ng pananamalataya.
Subalit sa iba naman, ang Undas o piyesta ng mga patay ay araw na itinalaga sa pag-alala sa mga mahal nila sa buhay.
Sadya nga bang ang daigdig natin ay mahiwaga na nalilingid maging sa mga siyensya ang mga maaaring maging epekto ng pagtangkilik sa gawaing ito? Dahil ang siyensya ay “to see is to believe”. Fact and evidence sa makabagong pamamaran ng microscopic lenses, ang ‘di nakikita ng ating naked eye na maging DNA ng tao ay napag-aaralan na.
Tuwing Halloween celebration, ang pagpupustura ng mga zombie at iba pang mga nilalanag ng kadiliman ay nagiging tradisyon at normal nang gawain.
Ano nga ba ang sinabi ni Hesus sa Banal na Aklat sa Mateo 8:8, 21 at 22. “Panginoon maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?” Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus. Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglibing sa mga patay.”
Ano ang nais ipahiwatig ni Hesus sa taong nagnanais sumunod sa kanya? Bakit maililibing ng mga patay ang isang patay? Hindi kaya kanyang tinutukoy ay ang mga taong salungat sa paniniwalang may Diyos ngunit pinagkakaabalahan ang mga gawain sa patay?
Ang bawat lapida ng yumao ay may nakasulat na rest in peace o ‘di kaya ay sumalangit nawa. Sa tingin ko ay salungat ito sa mga katagang aking nabanggit kung bubuhayin natin ang mga patay at hindi natin pagpapahingain for the sake of celebration. Hindi naman tayo tutol sa pag-alala ngunit hindi kaya taliwas na ito sa paniniwalang Kristiyano? Nagpapakita na ito ng mga selebrasyon at ritwal na wala sa paniniwala sa tunay na layunin ng bawat tagasunod ni Kristo ang ipamalita ang katotohanan at kabanalan.
Sa aking pagsusuri hindi lamang tayo nag-iisa na nabubuhay sa daigdig na ito kundi may mga elemento rin na hindi basta nakikita ng ating mata at nararamdaman kung hindi nabuksan ang ating senses para rito. Ito ang tinatawag na third eye. Mga mga bagay na mahirap ipaliwanag ngunit may katotohanan.
Halimbawa, isang artista habang ginagampanan niya ang kanyang papel na nagagalit, tiyak ‘andoon ang kanyang emosyon. ‘Pag umiiyak, kailangan ganoon din ang kanyang emosyon, kinakailangan niyang isipin at maramdaman ang emosyon na ipinaaarte sa kanya para maging makatotohanan ang portrayal ng kanyang role. Kung nananiwala ka sa kasamaan, tiyak ‘andoon din ang iyong emosyon. Kung naniniwala ka sa Diyos, tiyak ‘andoon din ang iyong kabanalang emosyon at paniniwala.
Maging ang kriminal kaya nakukulong dahil sila ay maaring pumatay, nang rape, o ano mang karagdadang krimen na mga nagawa nila na lumalabag sa karapatang pantao at batas. Kaya sila nakulong dahil ‘andoon din ang panananasa at emosyon at mithiin.
Kung anuman ang gawain o trabaho natin, tiyak ‘andoon din ang ating pagnanasa at emosyon. Ngayon, kung tayo ay nagkakaroon ng pag-alala sa mga namayapa, tiyak ‘andoon din ang ating isip at emosyon. Kung tayo ay nag-celebrate ng mga katatakutan, tiyak ay nandoon din ang ating emosyon na gampanan ito.
Ang tanong: kung nasa impluwensya kaya ito na binibigyang-kulay ang mga patay at sineselebra ba ito na sa katotohanan ba ay masayang kapiling ang mga patay?
Naniniwala akong sa pamamagitan ng mga ganitong gawain ay binubuhay natin ang mga elementong ‘di basta nakikita kundi ay sa tulong ng nasisiganap nito kaya sila ay nabubuhay. Simple lang naman ang gawain ng isang arkitekto, siya ay gumuguhit ng isang plano pagkatapos nito ay isinagagawa at tinatayo niya ito upang maging visible ito sa paningin natin.
Ngayon, papaano tayo mananalangin? Papaano tayo lalapit sa ating kinikilalang Diyos kung tayo man din ay may pananampalatayang pagano? Sadya na kayang tayong naliligaw ng landas patungo sa karimlan na kailangan na ng tunay na ilaw?
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions; e-mail. [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia